"Wag ka sabing marupok Pariah. Kayanin mo! Dapat mong kayanin ano ka ba!" malakas kong pagkausap sa sarili habang palakad-lakad sa sala sapo ang tiyan.
"Alalahanin mong on diet ka. Sayang naman ang pagod, pawis at uhog mo kung sa simpleng pagkulo ng tiyan mo ay ibibigay ka na agad!" pangaral ko pa.
Alam kong para na akong baliw sa ginagawa ko pero kiber na. Para sa fulfillment to ng pagpapapayat ko.
"Tama! Tama! Iinom mo na lang ng tubig iyan."
Nagpunta ako sa kusina at nagsalin ng tubig sa baso. Iniwasan kong tingnan ang ref kung saan nagtatago ang mga masasarap at nakapanlalaway na pagkain. Pandora's box na ang tingin ko sa ref na sa oras na buksan ko ay lilipad palayo ang mga food packs na may pakpak na magdadala ng kapahamakan sa akin.
Hinugasan ko ang baso bago patakbong bumalik sa sala. Sinubukan kong aliwin ang sarili sa pagfe-f*******: pero pahamak talaga ang tiyan ko at nagpaparamdam na naman! Kumukulo siya ng mag-isa!
Hindi! Hindi pa oras ng pagkain ko. 7 pa ang dinner ko. Alas singko pa lang.
Naupo ako sa sofa at isinuot ang earphones. Might as well listen to some music. Baka sakaling marelax ako.
I moved my head and jibe to the tune of CNCO's Beso. Wala akong naintindihan sa lyrics pero maganda naman ang beat.
Mayamaya ay humilab na naman ang tiyan ko. Kinuha ko ang earphones at tuluyan nang humiga sa sofa at isinubsob ang mukha sa throw pillows.
"Gutom na gutom na gutom na ako," impit kong usal sa sarili. Pinagpapawisan na ako sa sobrang gutom.
"Hindi ko na kaya," habol ang hininga na bumalikwas ako. "Kakain na ako. Kaunti lang talaga."
Nagmamadaling binuksan ko ang ref at naghanap ng makakain. Puro hilaw. Wala ring leftover dahil pinapakain ko sa mga pusang-gala ang mga tira-tira para hindi ako matempt.
Nagpasya akong bumili na lang sa labas. May nagtitinda ng street foods sa harap ng basketball court malapit sa amin.
Nagpalit ako ng damit. Isang oversized jacket na may hood at jogging pants na may logo ng university namin.
"Bente lang ang dadalhin ko para dalawang kwek-kwek. Pwede ring treinta para sa sampung piraso ng fish balls. Fifty na lang para may extra pang buko juice."
Lumabas na ako ng bahay at halos takbuhin na ang labasan. Gutom na talaga ako. Miss ko na rin ang lasa ng mga streetfoods. Ilang buwan din kasi akong nadiyeta sa kanila.
Nang marating ang tindahan ay kaagad akong bumili. Habang nasa daan pabalik ng bahay ay nilantakan ko na kaagad ang kwek-kwek. Heaven. May papikit-pikit pa ako ng mata habang ninanamnam ang lasa.
Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko mula sa pinagbilhan ay ubos ko na kaagad ang mga binili. Paano'y gutom na talaga ako. Kaya heto, buko juice na lang ang natira.
Inilibot ko ang tingin sa paligid habang mabagal na naglalakad. Maraming tao. Karaniwan na ang ganitong tanawin lalo pa at bakasyon na. May mga batang naglalaro sa kalsada. Ang karamihan naman sa iba ay nandoon sa covered court at nanonood sa mga naglalaro ng basketball. Tumaas ang kilay ko nang makitang halos lahat ay mga babae.
Lumapit ako at nakiusyuso. May munting liga na nangyayari. Dalawang koponan ang naglalaban. Kilala ko ang isang team dahil mga tagarito rin. Ang isa naman ay mukhang mga dayo na keguguwapo.
Shemays! Ang guguwapo nga!
Sumiksik ako sa mga nagtitiliang babae para mabistahan ko pa ng maayos ang mga biniyayaang nilalang.
Mga singkit. Mukhang Chinese. At ang tatangkad rin. Kung ang kabilang grupo ay nagmumukha ng mga kargador dahil sa itsura, aba ang mga eto ay parang mas lalo pang gumuwapo kahit puro na pawis ang buong katawan.
Lumakas ang t***k ng puso ko nang makita ko si Owen. Hula ko ay mga kasama niya ang mga dayo.
Ang guwapo talaga. Nakasuot uli ito ng jersey shorts, rubber shoes at sandong may mga butas. His muscular arms are showing again. Alam mo iyong build ng isang lalaki na payat pero may muscles? Iyon talaga si Owen.
Napangiti ako nang masalo niya ang bola at walang pagdadalawang-isip na itinaas ito at pinakawalan sa ere. Shoot. Three points. Napahiyaw ang lahat. Nagtilian naman ang mga babae.
Parang slow motion ang ginawa niya matapos ma-shoot ang bola. Ang paghawi nito sa ilang hibla ng buhok na nalaglag mula sa pagkakatali ng lastiko, ang pagtalsik ng pawis nito sa sahig at ang pag-umpog ng kamao nito sa isang lalaki na ka-teammate nito.
Napakunot-noo ako ng matitigan ang lalaking ka-fist bump ni Owen kanina. He looks familiar to me. Parang, parang nakita ko na siya dati. Hindi ko lang alam kung saan.
Hinalukay ko ang memory at pilit na hinayon. Tama! Napapitik ako nang maalala ko na siya.
He's the guy from Myca's wallet!
One time napagkatuwaan kong bulatlatin ang wallet ni Myca while she's sleeping. I saw a photo with Myca and a guy. The guy is hugging her from behind while smiling at the camera.
Napatakip ako ng bibig nang mapagtanto ko kung sino ang lalaki.
Oh my! So this is Jacques Huan! Myca's ex-boyfriend.
Ibinalik ko uli ang tingin kina Owen. Nakaupo na sila sa benches at umiinom ng tubig. Kausap pa rin ni Owen si Jacques. What a coincidence. Magkaibigan pa pala sila.
May babaeng biglang tumabi kay Owen at pinunasan ng towel ang mukha nito. Ngumiti naman si Owen sa babae at kinausap ito. Nakita ko si Jacques na tumayo at tinapik sa balikat si Owen bago umalis.
Tinitigan ko silang dalawa na ngayoy masaya nang nag-uusap. He's really a charmer. He seems to get attention so easily especially from girls. Dumako ang tingin ko sa babae. Maganda, maputi at payat. Makinis ang kutis. Pangmayaman.
Biglang nagsikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga. Ano bang nangyayari sa akin? Crush lang 'to pero bakit parang girlfriend ako na nagseselos? Ipinilig ko ang ulo at isinaklob ang hood sa ulo. I sneak another look at Owen before putting my hands on the pockets of my jacket and walking away.
Pagkauwi ng bahay ay humiga ako sa sofa at tumitig sa kisame. Paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang senaryo kanina nina Owen at ng babae. Naiinggit ako na nasasaktan.
Siyempre, crush mo iyon e, sabi ng isang bahagi ng utak ko.
Huminga ako ng malalim at bumangon. Gusto kong itaboy ang agiw sa isip. Ang unhealthy kasi tulad ng kwek-kwek kanina na niluto sa halos kulay itim na na mantika.
Ini-uplug ko ang phone sa pagkakacharge nang pumatak na sa 50% ang baterya. I clicked on the Shopee icon and browse for some diet pills.
I made up my mind. Susundin ko ang payo ng isa kong classmate to take pills. She recommended me a brand. A Thai brand which I am looking for now. Nang makita ay inadd to cart ko kaagad. Sinamahan ko na rin ng isa pang Chinese diet pills. Binasa ko ang reviews, maganda naman kaya naengganyo akong bumili. After checking out, sunod kong chineck ang gc naming magbarkada. Walang active.
Busy ang lahat sa kani-kanilang buhay. Si Myca may photoshoot while si Barbie ay busy panigurado sa paglalaro ng video games. Busy kaaaral si Dean dahil summer class din niya. Unlike me, nakapasa si Dean sa Financial Accounting kaya may makukuha siyang advance class this summer. Si Xylca naman ay busy rin iyon kaka-chat sa kaniyang mga afam. Mamayang gabi pa iyon mago-online.
Naisipan kong tawagan si Sheki pero kaagad ding nagbago ang isip ko. Tulog pa iyon ngayon. May insomnia kaya nahihirapang matulog sa gabi. Isa pa, nocturnal iyon kaya mamaya ring gabi magpaparamdam.
Nag-iwan na lang ako ng mensahe sa gc na may tsismis ako sa kanila.
Bumalik ako sa pagkakahiga at nakipagtitigan na naman sa kisame. May dalawang butiking naglalampungan.
"Sana all," natatawa kong sambit.
Dumaan ang ilang sandali at pinanood ko lang ang paghaharutan ng mga butiki. Kalaunan ay nawala na rin sila sa paningin ko nang makakita ng insekto at hinabol palayo.
I sighed. Ang tahimik ng paligid. Heto ako nag-iisa, walang makausap. As usual, overtime na naman si papa at bukas pa ng hapon ang uwi. Tapos na rin akong magreview para sa araw na ito. Bukas naman ang iba. Hindi ko gusto ang isang bagsakan na aral. Hinahati-hati ko ang mga aaralin para mas pumasok sa kukote.
Inabot ko ang unan at niyakap. Ipinikit ko ang mata at sinubukang matulog. May kalahating oras pa ako bago magprepare ng hapunan na kakainin ko rin naman ng mag-isa.
Hays, kung hindi kaya umalis si mama noon at iniwan kami, magiging ganito rin ba ako kalungkot ngayon? Hindi siguro.
Because l'll have someone to talk to.
Bumangon ako sandali at nagpatugtog ng kanta. Music helps me sleep.
Hinubad ko ang jacket at nahiga na ulit. Ipinikit ko ang mata at isinentro ang isip sa kanta. Mayamaya pa ay tuluyan na akong iginupo ng antok.
Naalimpungatan ako sa mga boses na naririnig sa labas. Malalakas at may kasabay na tawanan. Nag-iinat na bumangon ako at ini-off ang music sa cellphone. Tiningnan ko na rin ang oras. 7 pm.
Sumilip ako sa may bintana para tingnan kung saan nanggagaling ang ingay.
I saw Owen, Jacques and three other Chinese looking guys na nakita ko ring naglaro kanina. Nakaupo sa mga monoblocks, nagtatawanan at nagkukuwentuhan sa labas ng bahay ni Owen.
Ngayong nasa malapitan ko nang nabibistayan sila ay mas nakikita ko ang pagkakaiba ni Owen sa kaniyang mga kaibigan.
Jacques is the muscular type of guy. Mamasel at medyo bulky ang katawan. Malayong-malayo sa kuha nito sa picture nila ni Myca.
Ganoon rin ang tatlong lalaki. Ang isa ay may malaking tattoo ng isang dragon sa kaliwang braso. Parang iyon sa mga Chinese mafia na nakikita ko sa movies. Ang isa ay may mga piercings sa tenga, ilong, at bibig. Kamukha nito iyong isang Chinese actor na bida sa isang action movie. Ang panghuli ay kahawig ni Ken ng Meteor Garden. Younger version nga lang.
Muling bumalik ang tingin ko kay Owen na inaabutan ng tig-isang beer ang mga kaibigan. I smiled. He really looks clean and he emits that type of boy-next-door vibe.
I got my phone and tried to take a picture of Jacques. Isesend ko lang kay Myca bilang pang-asar. Lumayo na ako sa bintana nang makakuha ng magandang angle.
Nag-blanch ako ng spinach na nilagyan ko ng kaunting asin at paminta at sesame oil. Kumuha rin ako ng wheat bread at isang piraso ng saging. Pagkatapos ay pumuwesto ako sa tapat ng bintana at umupo sa sahig. Nagsimula na akong kumain.
Napapangiti ako ng sabay sa mga halakhakan nila. Hindi ko man masyadong naririnig ang kanilang pinag-uusapan ay ayos lang. Basta ba may mga buhay na tawa akong naririnig solb na solb na. Their laughters alone made my night a tolerable one.
Mamaya na ang Netflix. Mas chill ang pakiramdam ko ngayon.
Being alone is not that bad after all.
I guess.