MULI ay nakagat ni Nastya ang kaniyang ibabang-labi. Pagkababang-pagkababa nila sa private chopper ay agad pinuno ni Nastya nang hangin ang kaniyang baga. She’s really breathing the air in UHB Leisure Club. After five years, heto uli siya sa lugar na iyon na sobrang memorable sa kaniya. Pakiramdam niya ay may nagliliparang paruparo sa kaniyang tiyan nang mga sandaling iyon. Saka lang niya nagawang balingan si Kirst nang pumulupot ang isa nitong kamay sa may baywang niya. May naghihintay sa kanila na kulay itim na magarang sasakyan na maghahatid sa kanila sa may Club House kung saan mayroong pina-reserve si Kirst para sa kanilang tanghalian sa restaurant na naroon. Bago sumakay sa kotse na binuksan nang driver niyon ay pumihit muna si Nastya paharap kay Kirst at yumakap dito nang mahigpit

