"ITONG dalawa talaga 'yong literal na hindi mapaghiwalay agad kapag nagkasama," palatak pa ni Kirst kay Maryey nang pati sa dinner ay magkakasama sila ng pamilya Delavin. "Alam mo, Kirst, kulang ang isang buong araw para magkumustahan kami ng jowa mo. Wala pa nga sa one fourth 'yong napagkukuwentuhan namin," ani Maryey kay Kirst na ikinatawa ni Nastya maging ni Sergio Delavin. "Ibang klase, buong buhay mo yata sa nakalipas na limang taon ay ikinuwento mo na." "Tama ka. Kaya nga kulang 'yong maghapon namin ni Nastya. 'Di bale na, may bukas pa naman," nginisian pa ni Maryey si Kirst. Halatang inaasar nito. Binalingan na ni Kirst si Sergio na nakaupo sa kabisera nang ukupado nilang pahabang lamesa sa restaurant sa Club House. "Sergio, pakitalian itong asawa mo bukas. Hindi ko dinala rito

