HABANG hinihintay nina Nastya ay Kirst ang pagtaas ng haring araw ay inabala muna nila ang isa't isa sa paglalakad sa tabing dagat. Ang private beach ng UHB Leisure Club. Kalat na rin ang liwanag sa paligid. At nang mga sandaling iyon ay napakasarap langhapin ang sariwang hangin na may kalamigan pa. "Hindi ko mapigilan 'yong sarili ko na imagine-in ang mga bata na nagtatatakbo rito sa tabing dagat," aniya kay Kirst na akbay-akbay siya habang marahan silang naglalakad. "Ako rin, mommy, sigurado ako na tuwang-tuwa ang mga 'yon. At mag-e-enjoy rin sila sa lugar na ito dahil narito na ang lahat para malibang sila. At isa pa, narito ang mga bata na nakatakdang maging kaibigan nila," ani Kirst. Napangiti siya. Tama ito. Nasa lugar din na iyon ang mga batang nakatakdang maging mga kaibigan ng

