BUHAT sa bungad ng UHB Chapel ay tanaw na tanaw ni Nastya si Kirst na nakatayo sa may harap ng altar. Naghihintay sa kaniya. Huminga muna siya nang malalim bago naglakad ng marahan sa gitna ng aisle. Habang hawak sa kaniyang kamay ang bouquet ng rosas. Sa bawat paghakbang niya ay hindi niya inaalis ang tingin kay Kirst na alam niya na nakapako rin ang tingin sa kaniya nang mga sandaling iyon. The feeling of getting married to the man she loves. Exchanging vows with him. She felt so emotional while walking in the middle of the aisle. Ganito pala talaga kapag ikakasal na. Napaka-emosyonal. Nawawalan din ng pakialam sa paligid dahil habang naglalakad ang bride ay sa mismong groom lang naka-focus ang buong atensiyon. Kirst as her groom… matapos ng marami nilang pinagdaanan. Ito pa rin an

