ARRA SHAYNE, iyon pala ang pangalan nang kontrobersiyal na nobya noon ni Ehlae Ken na hindi nito maipakita sa publiko. Ang babae, na inakala niya noon na bagong karelasyon ni Kirst, na kasama ng nobyo sa Cebu noon na buntis pa. At ang babae rin na dapat ay siyang a-attend nang charity event sa San Felix imbes na si Kirst. Naging dahilan man ito noon ng kaniyang maling akala ay ito rin pala ang siyang magiging tulay para magpanagpo muli ang landas nila ni Kirst. Masaya si Nastya na sa wakas ay makita ito sa personal na siyang asawa na rin ni Ehlae Ken ngayon. May anak na rin ang mga ito. Matanda lang ang mga anak nila ni Kirst. Kasalukuyan ding buntis si Arra sa pangalawang anak ng mga ito ni Ehlae Ken kaya hindi noon nakabiyahe papunta sa San Felix ang babae. “Buti na lang buntis ka,” na

