MASAYANG pinagmasdan ni Nastya ang pinagtulungan nilang i-setup ni Kirst na pag-pi-picnic-an nila sa tabi ng Mishi River. May nakalatag na makapal na blanket sa damuhan. May isang malaking unan din doon, kapag mahihiga sila ni Kirst mamaya. Or kung gusto niyang mahiga. May malaking picnic basket sa gilid na maraming lamang pagkain sa loob. Sa may tabi niyon ay nakapatong sa damuhan ang maliit na cooler na may lamang inumin nila ni Kirst. May ice cubes sa loob niyon para ma-preserve ang lamig ng mga inumin. May dala rin silang basket na maliit na siyang lagayan ng kanilang mga basura. Nasa tapat sila nang ilalim ng puno kaya nalililungan ng mga dahon niyon ang kanilang puwesto. Magtatanghali na rin nang mga sandaling iyon. Sila lang ang tao roon. At wala ring mangangahas na umistorbo sa

