TULALA AT wala pa ring kibo si Nastya sa kaniyang kama. Simula nang dumating ang araw na animo isang bangungot sa kaniya ay hindi na siya magawang makausap pa ng kahit na sino. Pakiramdam niya ay hinigop din ang kaniyang lakas kaya nanghihina ang kaniyang katawan at walang kakayahang bumangon sa kaniyang kama. Sino ba ang hindi magiging ganito kung… Mariin siyang pumikit at pilit na itinataboy sa isip ang isang malagim na katotohanan. Katotohanang gumuho sa buong mundo niya. At sa pagpikit niyang iyon ay agad tumulo ang mga luha na animo bukal sa walang tigil sa pagbalong buhat sa mga mata niya. Dinig niya ang pagbukas ng pinto sa silid niya. Nanatili lang siyang nakapikit at hinayaan ang mga luhang patuloy sa paglalandasan. “Ate,” nabosesan niya si Primo. Lumundo pa ang gilid ng kama

