Chapter 151

1143 Words

“BAKIT parang kakaiba ang ngiti natin diyan? Kanina ko pa napapansin, eh,” biro pa ni Nastya kay Kirst. Pansin kasi niya sa nobyo na para bang kakaiba ang glow sa mga mata nito habang nakangiting nakatitig sa kaniya. “Masaya lang ako na makita ka uli, mommy,” sa halip ay sagot nito. Napangiti siya sa sinabi nito. “Makasabi ka naman ng masaya ka na makita uli ako, akala mo naman, sobrang tagal natin na hindi nagkita. Daddy, kahapon lang tayo huling nagkita at mamaya muli tayong magkakasama.” “Kung alam mo lang,” anas nito na mataman pa ring nakatitig sa kaniya. “Ang alin?” Huminga ito nang malalim. “I have something to tell you… pero saka ko na sasabihin kapag nandiyan na ako.” Katulad ng sinabi nito kanina, mayamaya pa ang alis nito. “Bakit hindi mo pa sabihin ngayon? Pasabik lang?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD