BAKIT kakaiba ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon habang nakatitig siya sa mukha ng batang babae? Daig pa niya ang nahipnotismo. Weird. Napalunok pa siya nang makabawi sa pagkatulala mula rito. Pansin niya na maging ito ay sandaling natulala sa kaniya. “S-sorry,” muli ay hingi niya nang paumanhin. Muli niya itong inalalayan sa pagtayo at iniupo naman sa batong may kalaparan. Naupo rin siya sa tabi nito. Hinimas-himas nito ang ulong nabato niya ng kaniyang sandals. May katigasan pa naman iyon dahil yari sa leather. Kaya naman napapangiwit ang babae sa paghimas sa ulo nitong nasaktan. Bagay na lalong nagpakonsensiya kay Kirst. Mukhang napalakas ang pagkakabato niya rito. Umangat ang isa niyang kamay at maingat na hinimas ang ulo nito. “Ano ba kasi ang ginagawa mo sa likod ng

