Chapter 154

1176 Words

KASABAY ng malakas na putok ng baril na narinig ni Nastya ay siyang pagmulat din ng kaniyang mga mata. Halos habol niya ang kaniyang paghinga. Nang mapatitig sa kisame at makitang pamilyar iyon sa kaniya ay mabilis niyang nailibot ang tingin sa paligid. Buhat sa pagkakahiga ay napaupo siya. She’s still panting. Nayakap niya ang sarili. Nanginginig siya dahil sa sobrang takot. Nasa silid lang niya siya nang mga sandaling iyon. Madilim na rin ang nakikita niya sa labas ng kaniyang silid. Ikinurap-kurap niya ang mga mata nang mag-init iyon at mag-umpisang mamasa. Bigla ay nagsumiksik sa kaniyang gunita ang nangyari kay Kirst. “H-hindi,” garalgal pa niyang anas. Mariin siyang napapikit. Nahawakan pa niya ang ulo nang magrambulan sa alaala niya ang nangyaring aksidente, ang pagkamatay ni Ki

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD