MTABB: CHAPTER THREE

1540 Words
Abrianna's Pov: Naalimpungatan ako nang marinig ko ang malakas na pagkatok sa pinto ng kwarto ko. "Gising na babae," narinig ko ang boses ni Ickey kaya naman agad akong bumangon. Nabuksan ni Ickey ang pinto ng kwarto ko. Nakita ko s'yang pumasok sa loob ng kwarto ko at naglakad papunta sa may bintana. Napakunot ang noo ko dahil Linggo ngayon at wala naman akong pasok. Bakit kaya s'ya narito? "Utos nga pala ni Mama sa'yo na magsimula ka na raw maghanap ng trabaho dahil malapit ng maubos ang pera na iniwan sa'yo ni Tito Gilbert," sabi n'ya at tumingin sa akin. May hawak s'yang baso na may lamang gatas. Tumayo na ako at inayos ang sarili. "Saan n'yo dinala yung perang iniwan ni Papa para sa akin?" Tanong ko habang nakatingin ng seryoso sa kan'ya. Dinampot ko ang kumot ko at sinimulan itong tupiin. Isang buwan pa lang simula nang mawala si Papa. Alam kong hindi agad-agad mauubos ang perang pinaghirapan at inipon n'ya. Sa akin dapat ito maiiwan pero may ginawa si Tita Jisella para sa kanila ni Ickey mapunta iyon. "Pinagbibintangan mo bang nagsisinungaling kami?" tanong n'ya at umismid tapos ay tumingin sa akin ng masama. "Imposibleng maubos agad ang pera ni Papa. Pinaghirapan n'ya 'yon at inipon n'ya ng matagal iyon," agad kong sagot dito. "Bakit? Ano bang tingin mo sa Papa mo, maraming ipon?" sarkastikong tanong n'ya sa akin at umismid muli. "Wake up, Abrianna. Hindi katulad ng Papa mo ang kaibigan n'yang mayaman at sikat. Hindi ganoon kalaki ang kinikita n'ya at isa lang s'yang personal driver." Bigla na lang n'yang itinapon sa mukha ko ang laman ng basong hawak n'ya. "Oops! Sorry, hindi ko sinasadya," umismid pa s'yang muli at padabog na lumabas ng kwarto ko. Natigilan ako sa ginawa n'ya. Naikuyom ko ang mga palad ko. Gustong-gusto kong sumigaw at sabunutan si Ickey pero kailangan kong pigilan ang sarili ko. Sumusobra na silang mag-ina! Napaupo na lang ako sa sahig dahil sa inis at nagsimulang tumulo ang luha ko. Ganoon na lang ba ang tingin nila ni Tita Jisella kay Papa? Matapos silang patirahin dito at tulungan? "Papa," mahina kong pagtawag at niyakap ang magkabila kong tuhod. "Bakit mo ako iniwan?" Ilang saglit pa'y pinahiran ko na ang luha ko sa mga mata ko. Hindi dapat ako magmukmok dito sa kwarto. Kailangan kong kumilos. Tumayo na ako at binilisan ang pagliligpit sa hinigaan ko. Dinala kong pababa ang kumot ko na nabasa ng isaboy ni Ickey ang iniinom n'ya sa akin kanina. Kailangan na malabhan ko agad iyon dahil baka langgamin at mabutas pa. Sayang naman. Nagsimula na rin akong magasikaso sa bahay. Kakatapos ko lang maglinis at kasalukuyang nakaupo sa sala. Nakita ko si Tita Jisella at Ickey na nakabihis at mukhang paalis. Napatingin silang dalawa sa akin. "Aalis na muna kami ni Ickey. May bibilin lang kami para sa school project n'ya," sabi sa akin ni Tita Jisella at isinabit ang bag n'ya sa balikat. Todo tingin naman si Ickey sa salamin at inaayos ang buhok at make-up n'ya. Napansin kong bago ang mga suot nilang damit. Nakita ko rin ang relo ni Papa na hawak-hawak ni Tita Jisella at nilagay ito sa loob ng bag n'ya. "Relo po 'yan ni Papa," agad kong sabi sa kan'ya saka tumayo at lumapit sa kanila. Nakita kong napataas ang kilay ni Tita Jisella habang pinanonood naman kaming dalawa ng anak n’yang si Ickey. "Kulang na ang pera na iniwan ng Papa mo. Kailangan natin ng pera kaya ibebenta ko ito," sabi n'ya sa akin at humarap sa salamin para ayusin din ang hitsura n'ya. "Hindi n'yo p'wedeng ibenta 'yan," pagtutol ko sa kanya. Kasama ko si Papa noong binili n'ya iyan. Ako pa ang pumili ng relo na 'yan. Iyan lang ang kaisa-isang relo ni Papa. Hindi nila ito p'wedeng ibenta. "We will sell it, whether you like it or not," sabi ni Tita Jisella at nang aalis na sila ay agad ko s'yang hinawakan sa braso. "Ibigay n'yo sa 'kin, 'yan. Please, Tita Jisella," pagmamakaawa ko sa kanya. "Lumayo ka nga kay Mommy!" Singit ni Ickey at inalis ang pagkakahawak ko kay Tita. "Let's go, Mommy. Hayaan na natin 'yan." Lumabas na sila ng bahay at wala akong nagawa kundi ang umiyak. Napalingon ako sa salamin at nakita ang namumugto kong mga mata. Agad kong pinunasan ang luha ko. Alam kong ayaw ni Papa na umiiyak ako pero hindi ko ito maiwasan lalo na sa sitwasyon ngayon. Ito lang ang tanging nagagawa ko. Narinig kong tumunog ang phone ko kaya agad ko itong kinuha mula sa lamesita. Nag-message sa 'kin ang kaibigan at kaklase kong si Akiah. Kinukumusta n'ya ako pero hindi ako makapag-reply dahil wala akong load. Napatingin naman ako sa pintuan nang marinig kong may kumatok doon. Napakunot ang noo ko dahil dito. "Sila Tita ba 'yon? May naiwan kaya sila?" Bulong ko sa aking sarili. Agad akong naglakad papunta rito at pinagbuksan ang kumakatok sa pintuan Pagkakita ko sa kanila ay natigilan ako dahil isang lalaking naka-suit ang bumungad sa akin. Napatingala pa ako sa kanya dahil hanggang balikat lamang niya ako. "Are you Abrianna Macey Amber?" Tanong n'ya sa akin. Napasilip ako sa likuran n'ya at nakita ang isang magarang itim na kotse. Ibinalik ko ang tingin sa kan'ya at dahan-dahan akong tumango. "Ako nga, bakit po?" Tanong ko naman sa kanya. Nginitian ako ng lalaki at saka nagsalita. "Ako si Alex mula sa Nam family. Ipinag-utos ni Sir August Nam na sunduin ka namin," sagot n'ya. "August… Nam?" Tanong kong muli. "Mr. Albert Nam's son." Napakunot lalo ang noo ko dahil sa sinabi n'ya. "Bakit n'ya ako ipinapasundo? Anong kailangan n'ya sa akin?" dagdag ko pang tanong sa kanya. "May kailangan daw po s'yang sabihin sa inyo. Pinapasabi rin ni Boss na dalhin n'yo rin po ang mga importanteng gamit ninyo," paliwanag n’ya. Kilala ko si Mr. Albert Nam dahil s'ya ang matalik na kaibigan ni Papa. Siya ang tumulong kay Papa para magkaroon ng permanenteng trabaho at laking pasalamat iyon ni Papa. Noon kasi, madalas si Papa na magpalipat-lipat ng trabaho. Nakilala ko naman si Mr. Nam noong nasa ikaanim na baitang ako sa elementarya. Madalas akong isama ni Papa sa tuwing may lakad sila na hindi naman tungkol sa negosyo o trabaho kaya't alam kong likas na mabait at matulungin talaga ang best friend ng ama ko. Hindi n'ya kami pinagdamutan bagkus, marami kaming natanggap na tulong mula sa kanya. Nakakalungkot isipin na hindi lang si Papa ang nawala dahil sa aksidente. Pati si Mr. Nam ay kinuha rin. Naisip kong bigla ang anak n'yang si August. Kumusta na rin kaya s'ya? Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Kilala ko naman ang mga Nam at siguradong wala naman silang masamang gagawin sa akin. Sila pa mismo ang tumulong sa akin ng mamatay si Papa. Pupuntahan ko si August para alamin ang pakay n'ya. "Sige po.” Iyon lang ang naisagot ko sa kanya. Nagtataka nga lang ako kung bakit kailangan kong magdala ng mga gamit. "Sigurado po ba kayong kailangan kong magdala ng personal na gamit?" "Yes po, Miss Amber. Iyon po ang ipinag-utos ni Boss Nam," pagkumpirma naman ni Sir Alex. "Pasok po muna kayo. Pasensya na po sa gulo ng bahay namin. Maupo po kayo at ikukuha ko muna kayo ng maiinom," paganyaya ko kay Sir Alex. Kasunod ko s'yang pumasok sa sala. Nagdiretso ako muna sa kusina upang ikuha ng maiinom. Pagbukas ko ng refrigerator, tanging malamig na tubig lang ang naroon. Napabuntong-hininga na lang ako. "Nakakahiya, pero hayaan na lang," nasambit ko habang inilalabas ang bote ng tubig at kumuha na rin ako ng malinis na baso. Bumalik ako sa sala. "Pasensya na po, ito lang maiaalok ko sa inyo," nahihiyang sabi ko at inilapag ang dala-dalang inumin at baso. Ngumiti at tumango lang si Sir Alex at inabot ang baso. "Maiwan ko muna kayo saglit para maihanda ko ang mga gamit ko." Umakyat ako patungo sa kwarto ko. Kinuha ko ang backpack na nakasabit sa likod ng pinto at nagsimulang magsilid ng ilang mga gamit sa bag. Hindi ko alam kung ano ba ang mga dadalhin kaya’t kinuha ko na lamang ang lahat ng sa tingin ko'y magagamit ko. Gumawa rin ako ng sulat para kay Tita Jisella at Ickey. Matapos iyon ay bumaba na ako sa sala dala ang gamit. Tumayo rin si Sir Alex pagkakita sa akin at inayos ang suit n'ya. Mabilis ko namang iniligpit ang pinaginuman n'ya at iniwan ang sulat sa ibabaw ng lamesa sa kusina. Nauna nang lumabas si Sir Alex pagbalik ko sa sala. Iniikot kong muli ang tingin sa buong bahay bago ako tuluyang lumabas at nag-lock ng pinto. Pinagbuksan ako ni Sir Alex ng pinto sa likod ng sasakyan at mabilis siyang nagpunta sa driver's side pagkatapos isara ang pinto ng backseat. Napasilip lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan, nagiisip ng mga dahilan kung bakit nais akong makausap ni August Nam. Pinaandar na ni Sir Alex ang sasakyan at umalis na kami sa lugar. May isang oras din ang naging byahe namin. Tumigil ang sasakyan sa isang magarbo at malaking gate. Maganda ang sikat ng araw kaya naman ibinaba ko ang bintana. "Narito na tayo," sabi ni Sir Alex.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD