MTABB: CHAPTER TWO

2563 Words
August's Pov: Naalimpungatan ako nang maramdamang gumalaw ang katabi ko sa kama. Napamulat ako at nakita ang babaeng nakapikit at nakayakap sa akin. Kumunot ang noo ko at inalala kung saan at paano ko s’ya nakilala. "Sir August, dito na raw po muna kayo. Utos ni Mr. Albert Nam," sabi sa akin ni Andrei na s’yang inatasan ni Dad na magbantay sa akin. Nakaalalay sa akin ang dalawa pang lalaking nakasuot ng itim na suit habang nasa harap ko si Andrei. Huminto kami sa tapat ng isang pinto. Nandito pala kami sa kauna-unahang hotel na ipinatayo ni Dad. "Bakit?" Nakakunot-noo kong tanong dito at sinubukang tumayo mag-isa pero natumba lang ako kaya naman inalalayan ako ulit nila Andrei. "Hindi naman ako lasing," sabi ko rito at ngumiti. "Nakainom lang ako ng konti.” Binuksan ni Andrei ang isang pinto. "Teka!" Sigaw ko nang ipasok nila ako sa hotel room. "Hindi ako lasing. Hindi n'yo ba nakita kanina na nakikipag-inuman ako kila Mino? Bigla n'yo na lang akong kinuha," asar kong sabi sa mga ito. Hindi sila sumagot at nang maipasok nila ako sa loob ay agad na lumala ang pagkahilo ko kaya hindi na ako nakapagreklamo. Nasusuka ako pero pinipigilan ko lang ito. Umiikot rin ang paningin ko sa paligid. Parang gusto ko na lang mahiga at matulog. "Mr. Albert Nam will fetch you here, tomorrow morning," rinig kong sabi ni Andrei. "Nasan ang mga maid ko? Wala bang mag-aasikaso sa'kin dito?" Tanong ko at humiga na sa queen-sized bed. "There's no maid, Sir August." "What do you mean?" Naguguluhan kong tanong at tiningnan ito. Nakita ko na parang nadedeform ang mukha at katawan ni Andrei kaya medyo natawa ako. Mukhang napasobra nga yata ako sa alak. "Pinapasabi rin po ng ama n’yo na matuto na raw po kayong ayusin ang sarili n’yo," sabi n’ya at tumalikod na. Agad akong napatigil sa pagtawa at nawala ang ngiti sa labi ko. Ngunit bago pa tuluyang lumabas si Andrei ng room ay humarap siyang muli sa akin. "Mauna na kami, Sir August," huling sabi ni Andrei at umalis na sila ng kasamahan n'ya. Napatulala na lang ako sa puting kisame na may diamond chandelier. Napabuntong hininga ako at parang agad na bumalik ang sarili ko sa katawan. Umupo ako at pinagmasdan ang damit ko. Wala na ang suot kong itim na suit jacket. Puting longsleeve na lang ito at trousers. Naiwan ko yata iyon sa bar na pinag-iinuman namin nila Mino. Tumayo na ako at nagtungo sa bathroom. Naghilamos ako at nang matapos kong ayusin ang sarili ay bumalik na ako sa kama at humiga. Medyo nahihilo pa ako pero hindi na ito tulad ng kanina. Lumabas ako ng hotel room ko at dumiretso sa mini club dito sa Diamond Hotel. Nang makita ako ng mga staff dito ay tumango sila at binati ako. Hindi ko sila pinansin at pumasok lang ako sa loob. May kadiliman sa loob at ang mga LED lights at disco ball ang nagsisilbing liwanag rito. Narinig ko ang malakas na tugtugan. Nakita ko sa gitna ang mga nagsasayawan hanggang sa mapunta ang tingin ko sa babaeng nakatingin sa akin at nakangiti. Napangiwi ako at napahawak sa ulo ko. Tiningnan ko ang babaeng katabi ko na mahimbing na natutulog. Agad kong inalis ang kamay n'ya sa baywang ko at bumangon mula sa kama. Narinig ko s'yang nagising nang tumayo ako pero hindi ko s'ya pinansin at nagbihis na ako. "Hey, good morning," bati n’ya sa akin. "I forgot to ask your name last night. You looked familiar." Matapos kong suotin ang puting polo ay tiningnan ko s'ya. Wala s'yang saplot sa katawan at natatakpan lang iyon ng puting kumot. Nakangiti s'ya sa ‘kin at naghihintay ng sagot. "Last night was amazing. Can I get your number?” malandi n’yang pagtatanong sa akin. “Hoping that this will not be the last time." "You can't," sagot ko at isinuot ang itim kong neck tie. "But why?" tanong muli n'ya at tumayo habang hawak-hawak ang kumot na nakabalot sa katawan n'ya. Masama ko s'yang tiningnan. "Last night was a mistake. Don't get the wrong idea." Nakita kong napakunot ang noo n'ya at magsasalita pa sana pero agad na tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito sa ibabaw ng bedside table at nakitang tumatawag sa akin si Andrei. Napabuntong hininga na lang ako at tiningnan ang babae. Kinuha ko rin ang wallet ko at dumukot ng pera. Inabot ko ito sa kan'ya. "Take this." Pagkabigay ko nito ay agad na akong naglakad papalabas ng hotel room. Isinuot ko na ang Bluetooth earphones ko at sinagot ang tawag ni Andrei. "Sir August Nam!" nagaalalang sigaw ng nasa kabilang linya. Habang naglalakad ay napakunot ang noo ko. Iba ang tono ng boses n’ya. “Sir August, yo-your father ha-had an a-accident. He’s currently in critical condition. Please come down as soon as possible! We need to go to the hospital, Sir!” nauutal sa anunsyo sa ‘kin ni Andrei. Napatigil ako sa paglalakad dahil sa narinig ko. Pakiramdam ko’y tumigil ang oras. Napatulala ako at hindi ko maigalaw ang buong katawan ko sa narinig. "What... are you saying?" Mahina kong tanong sa kanya. Kumalma si Andrei sa kabilang linya. "Naaksidente po ang kotseng sinasakyan ng father n’yo. Nasa baba na po ako para sunduin kayo at ihatid sa ospital kung saan dinala ang inyong ama." Patakbo kong tinungo ang elevator at natatarantang pinagpipindot ang down button. Hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko’y napakabagal niyon. Malakas rin ang kabog ng dibdib ko sa pagaalala kay Dad. Nang makasakay ako sa loob, hindi ko tinigilan ang pagpindot sa button ng ground floor. Hindi na ako mapakali. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa aking cellphone. Nang tumunog na at bumukas ang elevator doors sa ground floor ay tinakbo ko ang daan palabas. Mula sa bintana sa driver’s side ng sasakyan ay nakita ko si Andrei na naghihintay na sa loob. Nakabukas na ang pinto sa likod ng kotse at nakahawak sa car door handle ang isang valet ng hotel. Dali-dali akong pumasok sa loob. Isinara kaagad ng valet ang pinto ng sasakyan at ilang sandali pa’y pinaharurot na ni Andrei ang kotse patungong ospital. Tumigil si Andrei sa tapat mismo ng main entrance ng ospital. Kaagad akong lumabas at tumakbo nang mabilis papasok sa loob. May mga nakakabangga ako pero wala akong pakialam sa mga ito kahit sumigaw sila sa akin. Nabitawan ko rin ang phone ko ngunit hindi na ako nag-aksaya pa ng oras para pulutin iyon. Agad kong nakita ang secretary ni Dad at lumapit ako sa kanya. "Sir August!" Tawag n’ya sa akin. "Nasaan si Dad?" Tanong ko sa kanya. "Kakalabas n’ya lang po mula sa operating room at nasa ICU na po s’ya ngayon. Ayon sa doktor, critical ang condition ni Mr. Nam," pag-iimporma n’ya sa akin. Pagkasabi niyon ng secretary ni Dad ay agad akong nagtungo sa Nurse's Station at nakiusap na kung maaari ay mapuntahan ko ang aking ama. Noong una'y ayaw pang pumayag ng mga ito dahil sa policy ng ospital ngunit ng magpakilala ako sa kanila at sinabing magbibigay ako ng donation sa ospital ay pumayag din ang mga ito. Binigyan nila ako ng kumpletong PPE suit bago pumasok at sinabihan na hindi ako maaaring magtagal. Nang nasa tapat na kami ng pinto ng kwarto n'ya ay natigilan ako saglit at napatitig sa maliit na glass window ng pinto. Kakaibang kaba ang naramdaman ko habang pinagmamasdan ko ang aking ama na nakaratay sa kama at may mga nakakabit na tubo. Pakiramdam ko ay naninigas ang buong katawan ko. Pinilit ko ang sarili na buksan ang pinto. Tanging tunog lang na nagmumula sa aircon at patient monitoring device ang naririnig ko sa kasalukuyan. Hindi ko namalayang nagising pala si Dad. "August..." mahinang tawag n'ya sa akin. Nanghina ako nang marinig ang tinig ni Dad ngunit lumapit ako kaagad sa tabi ng kanyang kama. Ganito pala ang pakiramdam na makita ang mahal mo sa buhay na nakikipaglaban sa kamatayan. Wala akong magawa para sa kan'ya. Nagsimulang mangilid ang luha ko. "Dad..." mahina kong pagtawag sa kan'ya. Pinagmasdan ko ang hitsura n'ya. Mayroon mang bendahe sa kanyang ulo ay kitang-kita pa rin na ang dami ng sugat na tinamo n’ya mula sa aksidente. Dahil sa luhang namumuo sa mga mata ko ay nagsisimula nang manlabo ang aking paningin. Pinipigilan ko pa rin ang pagtulo niyon at mahigpit na hinawakan ko ang kamay ni Dad. "A-August..." Muling pagtawag n'ya sa akin. "Alam kong hindi na ako ma-magtatagal." "No. Don't say that, Dad," madiin kong sabi sa kanya. Hindi pa s'ya pwedeng umalis. Hindi n'ya pa ako pwedeng iwan. Hindi ko pa nasusuklian sa lahat ng ginawa n'ya para sa akin. Hindi ko s'ya magawang tingnan dahil alam kong tuluyan ng babagsak ang mga luha ko. Nakayuko lang ako habang nakahawak sa kamay n'ya. "I-ikaw na ang papalit sa a-akin, August." Halata ko sa boses n’ya na nahihirapan na s'ya sa pagsasalita at dahil dito ay sumikip at bumigat ang dibdib ko. "Please, don't say that," mahina kong sabi. "I ha-have one request, August." Napatingin ako sa kan'ya dahil sa sinabi n'ya. "Gilbert i-is gone 'cause of m-me. Please take c-care of his d-daughter. I wa-want you to ma-marry her." Bigla na lamang nagkombulsyon si Dad. Sunud-sunod ang pag-beep ng monitor sa gilid n'ya. Nakita ko sa screen na tumataas ang kanyang heart rate at nagpapanic na ako sa nangyayari. "Call the doctor!" Malakas kong sigaw. "Call the doctor now!" Sa gitna niyon, nagawa pa ni Dad na hawakan ang braso ko. "You're a man now, m-my son," mahinang wika n'ya. Naikuyom ko ang palad ko at inis s'yang tiningnan. "You're not leaving me," mahina at madiin kong sabi sa kan'ya. "You can't leave me, Dad." "The doctors are coming, Sir!" Narinig kong sigaw ni Andrei sa may pinto. Napalingon ako sa kanya. "Fucking tell the doctor na bilisan!" bulyaw ko sa kanya at ibinalik ang tingin kay Dad. "I-I love you, s-son." Ngumiti si Dad. Iyon lang at naramdaman kong lumuwag na ang pagkakakapit ni Dad sa braso ko. Napaiyak na lamang ako sa nakita. Kumalabog ang pinto ng ICU at nagsipasok ang mga doktor at nurse at inasikaso agad si Dad. Nabitiwan ko ang kamay n'ya dahil sa isang nurse na nakikiusap sa akin para lumabas ngunit hindi ako pumayag. Gusto ko pa ring manatili sa tabi ni Dad. I have to be there. "No! No! No! Dad! Don't do this to me! You can't do this to me!" sigaw ko sa kanya. Lumingon ako sa nurse at hinawakan ang kanyang mga balikat. "Please, you have to save my father! I'm begging you, save him!" Pagmamakaawa ko sa nurse at halos lumuhod na ako sa harapan nila sa kagustuhan kong mailigtas pa ang ama ko. Pinipilit naman ako ng nurse na itayo at akayin palabas ngunit nagmamatigas ako. Ayokong umalis. "Sir. Mr. Nam. Gagawin po namin ang lahat ng aming makakaya ngunit kailangan ninyong lumabas. Pakiusap po, Sir!" matigas na sabi sa akin ng nurse. Isang mahabang beep ang narinig ko. Lalong nagkagulo sa loob ng ICU. Nagsimulang magbigay ng CPR ang isa pang nurse samantalang kinuha ng isa pa ang cardiac defibrillator machine sa likuran ng patient monitoring device ni Dad. Nanlaki ang mga mata ko. "Hindi!" mahinang sambit ko. "No! No! Dad! No! Please! No! Please be alive!" Sigaw ko. "Save him, please! Save my father!” Nasalo ako ni Andrei na kanina pang nakaabang sa akin sa may pinto ng ICU. Mabilis muling pumasok ang nurse sa kwarto at isinara ang pinto. Wala akong magawa. Lumipat ako sa glass window upang makita ang nangyayari sa loob. Kitang-kita ko kung paanong nilalagyan ng isang nurse ang shock pads na hawak ng doktor ng kung anumang mala-gel na likido. Gusto kong basagin ang salaming bintana at tumakbo papasok muli ng ICU ngunit tanging napapasuntok na lang ako sa pader. "Fuck! Fuck! Fuck!" nagsisigaw ako sa labas ng ICU. Nagpabalik-balik din ako sa paglalakad paikot sa pwesto ko habang nakasapo ang mga kamay ko sa ulo at patuloy ang pagiyak. Sinasabunutan ko na rin ang sarili ko. Maya't maya ang tingin ko sa glass window. Si Andrei at ang secretary naman ni Dad ay hindi rin mapakali at nakaabang lang sa bawat hakbang ko. Ilang sandali pa'y nakita kong inililigpit na ang cardiac defibrillator. Naunang maglakad palabas ng ICU ang doktor at bago pa man n'ya mabuksan ang pinto ay ako na ang nagbukas niyon. Nakaabang ako sa bawat sasabihin n’ya. "I'm very sorry to inform you Mr. Nam. Nagawa na po namin lahat ng aming makakaya," seryosong bungad ng doktor. Huminga s'ya ng malalim at inilagay ang isang kamay sa balikat ko. "Condolences po sa inyo, Sir." Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Mas malala pa. Napasalampak ako sa sahig ngunit kaagad naman akong nasalo ni Andrei at pilit na itinayo. Nilingon ko ang loob ng ICU. Unti-unting nagsisilayuan ang mga nurses na nakapalibot kay Dad. Parang bumagal ang oras. Bumitaw ako kay Andrei at kinaladkad ko ang sarili kong mga paa palapit sa ama kong wala ng buhay. Inalis na sa kanya ang iba pang tubong nakakabit sa katawan n'ya. Gusto kong magwala at sumigaw. Gusto kong yugyugin pa si Dad sa pagaakalang imumulat pa n'ya ang kanyang mga mata na siyang ginagawa ko sa kanya noong ako'y bata pa lang. Nang makalapit ako sa tabi n'ya, di ko na napigilan pang humagulhol. Napasalampak na ako ng tuluyan sa sahig habang hawak ang isang kamay ni Dad. Nauntog na rin ako sa bedside table ngunit hindi ko iyon alintana. Mas masakit ang nararamdaman kong realisasyon na hindi ko na makikita pang muli ang aking ama. "Dad! Dad! Why? Why did you have to leave me?" sigaw ko habang umiiyak. Hindi ko na namalayan ang oras. Matagal-tagal din ang itinigil ko sa loob ng ICU habang patuloy sa pagiyak. Si Andrei ang nasa tabi ko ng mga oras na iyon at kahit s'ya ay naiiyak din sa nangyari. Ang secretary naman ni Dad ay kasalukuyang may kausap sa telepono ngunit natatanaw ko rin ang pagtaas-baba ng mga balikat n'ya kahit pa nasa labas siya ng kwarto. Alam kong namumugto na ang mga mata ko. "Wala na si Dad. Wala na s'ya..." nagpaulit-ulit ako sa aking sinasabi. Hinahagod ni Andrei ang likuran ko at tinatapik-tapik ang balikat. Blanko ang utak ko ng mga sumunod na oras at nakatulala lang sa kawalan. Sobra ang pagsisising nararamdaman ko ngayon. Naging pasaway lamang ako sa kanya. Naikuyom ko ang mga palad ko. "I'm so sorry, Dad. I wasn't a good son to you," bulong ko. Maya-maya pa'y may mga dumating na staff ng ospital. Ito na ang hudyat na ilalabas na nila si Dad ng ICU at dadalhin na sa morgue. Nagbalik ako sa ulirat at saka tumayo kahit pa hinang-hina ang katawan ko. Nauna kaming lumabas ni Andrei. Pinaupo n'ya ako sa bench sa labas ng ICU. Ang secretary naman ni Dad ay hindi ko makita ng oras na iyon. Malamang sa malamang, siya na ang nagaayos ng lahat at nakikipag-coordinate. Naroon lang ako at si Andrei. Pumasok sa isip ko ang mga sinabi ni Dad. Wala na rin si Tito Gilbert. Alam kong may isa s'yang anak na babae ngunit hindi ko pa s'ya nakikilala. Isang pabor lang ang hiningi ni Dad sa akin. Iyon ay ang pakasalan ang anak ni Tito Gilbert.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD