HINDI sumagot si Divlen, nanatili lang itong nakaupo at nakayuko habang patuloy sa pag-agos ang luha niya. Dahan-dahang lumapit si Jester sa kaniya at hinawakan nito ang kamay ng pinsan niya at pinatayo niya ito. "Tayo na, partner." Dahan-dahan naman na tumayo si Divlen at sabay punas sa mga luha niya. "Herrera, salamat tulong mo," wika ni Jester. "No problem, Inspector!" tugon nito, pero ang tingin niya ay nasa kay Divlen na tulala itong nakayuko sa lupa. Inakbayan ni Jester ang pinsan niya, habang patungo sila sa sasakyan. "Dude, thank you so much!" turan ni Tom. "Basta ikaw. Hmmm. Dude, bakit nagkaganyan si Detective? May problema ba sila ni Collin?" pagtataka na tanong niya. "It's a long story, dude. Nalaman ni Divlen na nag-sacrifice si Collin para lang dugtungan ang b