NGUNIT hindi naman puwedeng hindi niya tutuparin ang kasunduan nila ni Jamela, sapagkat siya ang tipo nang tao na may isang salita. Hanggang sa makarating na sila ng airport. "Paano, dude, hintayin ka na lang namin sa Pinas," wika ni Tom. "Yes, dude, darating ako." "Pards, maraming salamat sa lahat-lahat ng tulong mo," pahayag ni Jester, at napaiyak na naman ito dahil naawa siya sa binata. "Daddy, bilisan mo ha, sunod ka kaagad kasi, mami-miss kita at si Mameta rin. Ayaw kong maging malungkot siya," pahayag ng bata, at si Collin ay hindi nakasagot at napayakap na lang ito bigla. "Collz, hihintayin kita, kahit gaano pa katagal. Mag-ingat ka dito at huwag mong pabayaan ang sarili mo. Mahal na mahal kita, Collz," madamdaming sabi ni Divlen, at sabay yakap niya rito. "Ikaw rin, huwag