Chapter Three

1014 Words
"Honey, huwag mo akong iwan. Gagawin ko ang lahat, m-magsisipag ako. Magbabanat ng buto. Gagawin ko ang lahat ng gusto mo, honey! Please!" Natigilan sa pag-iimpake ang babae. Mula sa likod nito ay ibinaon niya ang sariling mukha sa leeg ng asawa. Tahimik siyang umiyak habang mahigpit na nakayakap dito. Na tila ba sa pamamagitan niyon ay mapipigilan niya ang pag-alis ng babae. Matagal silang nanatili sa ganoong ayos hanggang sa marinig niya ang pagbuntong-hininga ni Cielo. Marahan nitong ibinaba ang hawak na damit at lumipat sa mga kamay niyang nakapulupot sa baywang nito ang kamay ng babae. Pilit nito iyong inaalis. "Pakawalan mo na ako, Atticus... please! Just... just let me go!" pikit-matang pagmamakaawa ng babae. Bakas sa boses nito ang determinasiyong makaalis sa piling niya. Pakiramdam niya ay kating-kati na itong iwan siya upang sumama sa ibang lalaki. Tila napakadali ritong itapon ang ilang taong relasiyon nila at isang taong pagsasama bilang mag-asawa para lamang sumama sa boss nito. Para lamang sa pera. Dahil doon ay mas lalo siyang nakaramdam ng matinding pananakit sa dibdib. Paulit-ulit siyang umiling habang nakayakap pa rin dito. "Huwag mo itong gawin sa akin, Cielo. Nagmamakaawa ako sa iyo. Honey, parang-awa mo na." Bumitiw siya sa pagkakayakap sa asawa at lumuhod sa paanan nito. Tinitigan siya ng babae. Bakas sa mga mata nito ang awa para sa kaniya, ngunit sandali lamang iyon. Makalipas ang ilang sandali ay napapalunok itong nag-iwas ng tingin at marahas na pinahid ang mga luhang naglandas sa pisngi nito. "Cielo, hindi mo na ba ako mahal?" Ilang ulit siyang lumunok habang nakatingala sa asawa. Pilit niyang hinahanap sa mukha nito ang pagmamahal na araw-araw niyang nasisilayan noon. Nanginig ang mga tuhod niya nang hindi mabakas ang pagmamahal sa buong mukha nito. Pakiramdam niya ay binagsakan siya ng langit at lupa nang lingunin siya ng asawa at tiningnan habang blanko ang buong mukha. "Ayaw ko na, Atticus. Huwag mo na akong pahirapan pa! Maghiwalay na tayo!" matigas ang tinig nito bagay na ikinabagsak ng mga balikat niya. Nabaling sa kawalan ang kaniyang tingin nang magpatuloy itong magligpit ng mga damat. Nang matapos ay muli siya nitong tinitigan. Sa ilang segundo ay muling sumilay ang lungkot at awa sa mukha ng babae. Makalipas lamang ang ilang sandali ay marahas nitong hinubad ang suot na singsing at inilapag iyon sa ibabaw ng kama malapit sa kaniya. Kinuha nito ang maleta at tuluyan siyang iniwan. ISANG araw pa lamang ang nakalilipas simula nang umalis si Cielo, ngunit kung pagmamasdan ang kalagayan niya ay tila isang buwan na siyang iniwan ng asawa. Magulo ang loob ng buong apartment, nagkalat ang mga bote ng alak sa sahig ng sala at nakataob ang lamesa at mga sofa. Nakakalat din sa sahig ang mga gamit na pinagtatapon niya nang magwala siya noong araw na iniwan siya ng asawa. Ultimo ang malaki nilang larawan na kinunan noong araw ng kanilang kasal na nakasabit sa pader ay basag na rin at nakataob sa sahig. Nakaupo siya sa sahig habang nakasandal sa dingding ng sala. Nakatitig siya sa kawalan habang hawak ang bote ng alak sa isang kamay niya. Muling umagos ang isang luha sa kaniyang pisngi nang maalala ang ginawang pagtataksil ng kaniyang pinakamamahal. Halos itapon niya ang sariling buhay upang maibigay ang mga luho nito. Buong akala niya ay maayos ang pagsasama nila ng babae dahil ni minsan ay hindi ito nagreklamo. Lagi siya nitong iniintindi at pinalalakas ang kaniyang loob. Pero simula nang matanggal siya sa kompanyang pinagtatrabahuhan niya dahil sa nagawa niyang pambubugbog sa boss niya nang hipuan nito si Cielo, at nagsimulang magtrabaho ang babae sa Marasigan Corp. bilang isang sekretarya, bigta itong nagbago. Naging malamig na ang pakikitungo ng babae sa kaniya. Ramdam pa rin niya ang pagmamahal nito, alam niyang naroon pa rin iyon, pero hindi na katulad ng dati. Tila ba nabawasan na iyon sa paglipas ng mga araw hanggang sa humantong sa pang-iiwan nito sa kaniya. Sumapit ang gabi. Halos mabaliw siya habang nakatitig sa mga larawan nila ni Cielo sa kaniyang selpon. Hindi niya magawang pumasok sa kanilang kuwarto dahil naaalala niya lamang ang tagpo kung saan nakikipagtalik ito sa boss nito. Ang mga ungol at halinghing nito, kung paano nito ipulupot ang mga hita sa baywang ng lalaki. Ni hindi man lang nito naisip na ginagawa ng mga ito ang bagay na iyon sa sarili nilang kama. Malakas siyang sumigaw at marahas na ibinato sa malayo ang kaniyang selpon. Tumama iyon sa sementong pader ng apartment na naging dahilan ng pagkasira nito. Bumagsak ito sa sahig at nabasag ang salamin. Muling pumatak ang sariwang luha sa kaniyang pisngi habang nakatitig sa sirang selpon. Matagal niya itong pinagmasdan hanggang sa biglang tumalim ang kaniyang tingin. Pinalis niya ang mga luha sa pisngi at pinilit na tumayo. Kahit na lango pa sa alak, gegewang-gewang siyang naglakad hanggang sa makalabas ng building ng apartment. Sumakay siya sa sariling motorsiklo at pinatakbo iyon nang mabilis. Alas-nueba na ng gabi ngunit sigurado siyang nasa kompanya pa rin ang asawa niya kasama ang boss nito. Noon ang buong akala niya ay nag-o-overtime ang babae para magtrabaho, hindi niya lubos akalain na asawa na pala niya ang tinatrabaho ng ibang lalaki. At ang malandi niyang asawa, hindi man lang umiwas sa tukso. Mabilis niyang pinatakbo ang motor upang agad na mapuntahan ang babae. Nakapagdesisiyon na siyang babawiin ito. Nanumpa sila sa harap ng Diyos at legal ang kanilang kasal. Ipinaglaban niya noon si Cielo. Marami na rin ang pinagdaanan nila bilang magnobyo at magnobya bago pa man sila ikinasal. Hindi siya papayag na iwan siya nito nang ganoong-ganoon na lamang. Binilisan pa niya lalo ang pagpapatakbo. Sa bilis ng takbo niya ay hindi na niya napansin ang pagpula ng traffic light na naging dahilan ng bigla niyang pagpreno sa gitna ng kalsada, at ang pagdating ng malaking truck sa gawi niya. Ang malakas at paulit-ulit na busina ng sasakyan ang huli niyang narinig bago tuluyang sumalpok ang katawan ng truck sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD