NABITIWAN ni Cielo ang hawak na selpon matapos marinig ang sinabi ng lalaki sa kabilang linya. Napasinghap naman siya nang maramdaman ang mainit na mga kamay ni Arnulfo sa mga hita niya. Naramdaman niya ang pilit na paghalik nito sa kaniyang leeg mula sa likuran.
Kumalas siya sa mga hawak nito at pinulot ang selpon na nahulog sa sahig. Mabuti na lamang ay hindi iyon nasira. Mula sa harap ng mahabang sofa sa loob ng opisina nito, humakbang siya palapit sa executive desk nito at mahigpit na hinawakan sa tapat ng dibdib niya ang kaniyang selpon.
Sumunod ang lalaki sa likuran niya at parang kuryente na biglang dumapo muli ang dalawa nitong mga kamay sa mapuputi niyang mga hita. Naglakbay ang isang kamay nito sa pagitan ng hita niya hanggang sa maramdaman niya ang kamay nito sa kaniyang pagkababae. Napalunok siya bago iniwas ang sarili sa lalaki.
Narinig niya ang pagbuga nito ng malalim na hangin. Nilingon niya ito at sumalubong sa kaniya ang matalim nitong mga mata. Nakasuot ito ng corporate suit at may suot din itong reading glass sa mga mata. Matangkad ito at bahagyang malaki ang pangangatawan dahil madalas itong mag-ehersisiyo sa gym. May iilang puting buhok na rin ito pero hindi niyon nabawasan ang gandang lalaki nito.
"Ano bang problema? Kanina mo pa ako iniiwasan," wika nito at inayos ang nagulong damit.
Lumunok siya at mataman itong tinitigan. Ayaw man ay naglakas-loob na rin siyang sabihin ang inaalala rito.
"N-naaksidente ang asawa ko, Mister Marasigan. K-kailangan niya ako... " Humigpit ang pagkakahawak niya sa selpon nang makitang natigilan ang lalaki. Napalunok siya nang balingan siya nito ng tingin.
"Bakit? Doktor ka ba para kailanganin ka niya? Siya ba ang tumawag sa iyo kanina?" sunod-sunod nitong tanong na ikinailing niya.
Lumapit siya sa lalaki matapos ibinaba ang selpon sa ibabaw ng mesa nito. "Ang kaibigan niya ang tumawag sa akin. Malala raw ang lagay niya, nabundol siya ng truck."
Umismid ang lalaki at nag-iwas ito ng tingin. Mula sa harap niya ay humakbang ito patungo sa sariling upuan at naupo roon.
"Ano ngayon? Hindi ba't nakipaghiwalay ka na sa kaniya? Bakit mo pa siya kailangan puntahan?" muli nitong tanong. Umiling ito at ibinaling ang tingin sa mga papel na nasa ibabaw ng mesa nito.
Nakagat niya ang ibabang labi at matamang tinitigan ang lalaki. Muling nagbalik sa kaniya ang sinabi ng lalaking kaibigan ni Atticus. Malala ang natamo ng lalaki mula sa aksidente at kailangan itong operahan. Kung hindi ito maooperahan ay maaari itong mabulag dahil may mga basag na salamin mula sa bintana ng truck ang pumasok sa mga mata nito.
Huminga siya nang malalim at isa-isang hinubad ang butones ng suot niyang blouse. Mula sa mga papel sa lamesa ay nabaling sa kaniya ang tingin ni Arnulfo. Muli siyang lumunok nang masalubong ang matatalim nitong mga mata.
Nagbuga siya ng hangin at tuluyang hinubad ang suot niyang blouse. Tumambad sa lalaki ang dalawang malalaki niyang hinaharap. Sunod niyang hinubad ang itim na pencil-cut skirt bago umikot palapit sa lalaki. Nang makalapit ay paharap siyang umupo sa ibabaw nito.
Hinalikan niya ito sa pisngi hanggang sa maglakbay ang mga labi niya patungo sa punong tainga nito. "Kailangan ko ng pera."
Bahagya niyang idinistansiya ang mukha upang makita ang mukha nito. Matalim pa rin ang tingin ng lalaki. Mula sa mukha niya ay nabaling ang tingin nito sa kaniyang dibdib. Umangat ang kamay nito at dumako iyon sa suot niyang pulang bra. Kinalas iyon ni Arnulfo at itinapon sa malayo. Tuluyang tumambad rito ang malulusog niyang hinaharap.
Sumilay ang ngiti mula sa mga labi ni Arnulfo. Minasahe nito ang dalawa niyang mga suso ngunit nang akmang ilalapit na nito ang mga labi sa dibdib niya ay mabilis niya itong hinawakan sa balikat upang pigilan.
"Ang pera, kailangan ko ng pera," mariin siyang lumunok matapos sabihin iyon.
Nagbuga ng malalim na hangin si Arnulfo at umiling. "Alam ba niya ang ginagawa mo para sa kaniya?"
Nag-iwas siya ng tingin sa lalaki. "Hindi na niya kailangang malaman."
Muling umiling si Arnulfo sa naging sagot niya. Binuksan nito ang drawer ng executive desk nito at kinuha mula sa loob ang cheque. Sandali itong nagsulat doon at matapos punitin ang isang cheque mula sa cheque book ay saka iyon ibinigay sa kaniya.
"Alam mo na ang kapalit nito," seryosong nitong saad na ikinalunok niya.
Tiningnan niya ang chequeng ibinigay nito at nakitang isang daang libong piso ang nakasulat doon. Tumayo siya at inilapag ang cheque malapit sa kaniyang selpon. Sa muli niyang paglingon sa lalaki na siyang boss niya sa kompanyang iyon, ay hinubad na rin niya ang suot na panty at muling kumandong dito.
MALALAKI ang kaniyang mga hakbang nang makapasok siya sa St. Luke's Medical Center sa Quezon City. Agad siyang dumiretso sa emergency room ng ospital at naabutan sa labas nito ang lalaking si Wayne.
"Kumusta siya?" agad niyang bungad nang makalapit sa lalaki.
Tila gulat na tumayo ito at tinitigan siya mula ulo hanggang paa. "Pumunta ka?"
Hindi na niya binigyan ng pansin ang binata. Itinuon niya ang tingin sa pinto ng emergency room at naluluhang tumitig sa loob mula sa salaming bintana ng pinto.
"Malala ang lagay niya, e. Ang problema lang, ang perang ipambabayad sa ospital," tila problemadong wika ng lalaki.
Lumunok siya at pinahid ang mga luhang naglandas sa magkabila niyang pisngi. Mula sa loob ng emergency room, binaling niya ang tingin sa lalaking si Wayne at mataman itong tinitigan.
"Sumunod ka sa akin," aniya at nagpatiuna na sa paglalakad.
Mahigpit siyang nakahawak sa strap ng kaniyang backpack. Nang marating ang kainan ng ospital at makapasok sa loob, lumapit siya sa mesang nasa pinakadulong bahagi at naupo roon.
"A-ano bang kailangan mo? Akala ko, hiwalay na kayo ni Atticus?" mataman niyang tinitigan ang lalaki sa naging tanong nito.
Humugot siya ng malalim na hangin saka iyon ibinuga. Nabaling sa ibabaw ng mesa ang tingin niya habang inaalala ang kalagayan ng lalaki. Pumikit siya at mariing lumunok bago muling nagmulat ng tingin.
"Wayne, may hihingin akong pabor sa iyo," paos ang boses na sabi niya sa lalaki.
Napansin niyang natigilan ito at sandaling nag-alangan pero kapagkuwa'y tumango na rin. "Ano ba iyon?"
Muli siyang nagbuga ng hangin at binuksan ang dalang backpack. Matapos kunin ang cheque sa loob ay inabot niya iyon sa lalaki.
Tinanggap naman iyon ng binata at nagtatakang sinipat ang papel. Nang mapagtanto nito kung ano iyon at kung magkano ang nakasulat, bahagyang namilog ang mga mata nito.
"Saan mo ito kinuha?" puno ng pagtataka ang tinig ng lalaki.
Nagbuga siya ng hangin bago nagbaba ng tingin. "Hindi na iyan mahalaga. Ang importante ngayon, si Atticus. Kailangan niyang maoperahan, `di ba? Gamitin mo iyang pera—"
"Cielo, pasensiya ka na, ha? Alam kong wala akong karapatang manghimasok, pero kung may malay lang ngayon ang kaibigan ko, paniguradong hindi niya tatanggapin ito. Magagalit iyon sa akin—"
"Kaya nga hindi mo sasabihin sa kaniya."
Naibaba ng lalaki ang hawak nitong cheque at napapailing na nag-iwas ng tingin. Alanganin itong ngumiti bago isinandal ang likod sa inuupuan.
Itinukod niya ang mga kamay sa ibabaw ng mesa at bahagyang inilapit ang sarili sa harap. "Wayne, alam kong mahalaga sa iyo si Atticus dahil kaibigan mo siya. Matitiis mo bang tuluyan siyang mabulag?"
Mula sa kawalan ay nabaling sa kaniya ang tingin ng lalaki. Sumilay ang pilit na ngiti sa mga labi nito.
"Gagawan ko ng paraan, pero hindi ko matatanggap itong pera mo. Baka mapatay ako ni Atticus kapag nalaman niya kung saan galing ang perang pinag-opera sa kaniya."
Lumunok siya at muling ipinikit ang mga mata. "Please, Wayne, gawin mo ito para sa akin. Gusto kong makatulong kay Atticus. Isa pa, wala nang oras, kailangan na niyang maoperahan agad!"
Pilit na ngumiti ang lalaki. Mataman siya nitong tinitigan na tila may pag-aalinlangan pa rin sa mga mata.
"Nagi-guilty ka ba kaya mo ito ginagawa?"
Natigilan siya sa naging tanong nito. Binawi niya ang mga kamay at ipinatong iyon sa sariling binti. Ilang beses siyang lumunok bago matuling tumango.
"Alam kong ako ang dahilan ng aksidente niya. And this is the only thing I can do for him." Muli siyang nagbuga ng hangin bago tumayo dala ang sariling backpack. Tinitigan niya ang lalaki at pilit na ngumiti. "Please, do this for me and for Atticus. Kailangan na niyang maoperahan. At... h-huwag na sana niyang malaman na nagpunta ako rito."
Tuluyan siyang humakbang palayo roon, pero hindi pa man tuluyang nakalalayo ay muli siyang natigilan nang marinig ang boses ng binata.
"Hindi mo na ba siya babalikan?" bakas sa boses nito ang awa at pag-aalala sa sariling kaibigan.
Mahigpit niyang hinawakan ang strap ng hawak na backpack at mariing pumikit. "Hindi ko na siya puwedeng balikan."