Napangiti si Caleb nang makita si Keith at ang banda nito na pumuwesto na. Ito ang unang pagkakataong pinagbigyan siya ni Keith. Hindi nito napagbigyan ang kapatid na si Kent at si Sebastian, siya lang. Tumingin sa gawi niya si Keith. He just mouthed congratulations. Ginantihan niya ito ng ngiti at nagpasalamat. Napaayos siya ng tayo ng makitang papalapit si Liliana. Isang wedding planner si Liliana sa Madrid kaya kinasabwat niya rin ito sa biglaang pagpaplano ng kasal nila ni Dominique. "We're going to start, Caleb. Pababa na si Celeste," nakangiting sabi ni Liliana sa kaniya. Sumenyas din ito kila Keith. Nilingon niya ang ama na katabi ni Arriane pagkaalis ni Liliana. Agad namang tumayo ito. Matamis na ngiti ang iginawad nito sa kaniya. Kahit na may pangalawang pamilya na ang ama, hi

