Napahawak si Dominique sa tiyan niya ng magising. Ang sakit ng mata niya. Hindi niya rin maimulat. Hinimas niya ang tiyan. Gutom na gutom na siya. Tumutunog na iyon. Pero natigilan siya nang biglang mag-flashback ang nangyari kaninang madaling-araw. Napabalikwas siya ng bangon sabay mulat ng mata. Napaawang siya ng labi nang makita ang pamilyar na silid. Nanaginip ba siya? Bakit narito siya? Kaninang madaling araw lang ay nasa penthouse siya. Pero bakit ngayon narito na siya? Sino ang nagdala sa kaniya dito sa private resort na ito? Sino? Bumaba ang tingin niya sa katawan niya at pinakiramdaman iyon. Ilang beses ng nangyari sa kaniya ang ganitong eksena. Wala na si Camila pero bakit nangyari na naman ang ganitong bagay? Napatigil siya sa pag-iisip nang mapansing iba na ang suot niya. N

