Nagising siya bandang alas-kuwatro ng umaga. Inilinga niya ang paningin. Nagkalat ang mga damit nila ni Caleb sa sahig. Lumapit siya sa closet at naghanap ng maisusuot. Inilapag niya iyon sa mesa pagkuway kumuha ng towel at roba. Nagbabad siya ng ilang minuto sa tub saka naisipang magshower na. Gusto niyang ipagluto ang mag-ama. Nagulat siya paglabas ng banyo nang mabungaran si Caleb. Hindi man lang nag-abalang takpan nito ang sarili. Hindi niya mapigilang mapalunok. Maagang bumabati ang kaibigan nito, este morning erection ang bumati sa kaniya nang magbaba siya ng tingin. "Caleb," napasinghap siya nang hapitin siya nito dahilan para mapahawak siya sa dibdib nito. Pumikit pa ito para samyuhin ang amoy niya. "Bakit hindi mo ako ginising, Sweetheart?" anito ng magmulat ng mga mata. "Ha

