Manghang-mangha si Dominique nang masilayan ang isa sa grandihiyosong Royal Palace and Gardens. Nalula siya sa laki ng palasyong iyon. Ang aprtment ni King Charles III ang pinakagustong napuntahan niya sa palsyong iyon. Isa na itong museum ngayon. Maganda rin ang mga paintings ng mga dingding na obra maestra ng ilan sa mga sikat na mga pintor, gaya ni El Greco, Velázquez, Goya at iba pa. Napatingin siya kay Caleb nang hilahin siya nito palabas ng palasyong iyon. Sunod nilang binista ang Plaza de Mayor at Puerta del Sol nang araw ding iyon Marami pa silang napuntahang magagandang lugar dito sa Madrid. Syempre, hindi mawawala sa listahan nila ang Prado Museum, Temple of Debod, Buen Retiro Park. Sinulit nila ang apat na araw na bakasyon doon. Halos hindi niya matandaan ang iba pang napuntah

