Pagkatapos gamutin ni Caleb ang sugat niya na natamo sa kamay ni Camila ay kinausap siya nito ng masinsinan. Ang buong akala niya ay sinusunod siya ni Caleb. Inamin nito ang buong plano ng mga ito para kay Camila kasama ang ama. At sa ilang araw pala nitong hindi pag-uwi ng maaga ay kasama nito sila Sebastian. "Caleb… Bakit? Akala ko ba okay na tayo? O, sige ganito na lang, hayaan mo na lang si Sebastian ang humuli kay Camila. 'Wag ka ng sumama! Natatakot ako! Please? Please?" naiiyak niyang paki-usap dito. "No. Gusto ko na ding matapos ito Sweetheart. Ayokong maupo lang dito at makikibalita na lang. Sana maintindihan mo ako, Dominique. Ginagawa ko ito para sainyo ni Callen, para na rin katahimikan ng lahat," Umiling-iling siya dito bilang pagtutol. Nababalot ng takot ang puso niya. Pa

