PANAY ang tingin ni Grecco sa pinto. Ang lapit lang naman ng pinarkingan niya ng sasakyan pero wala pa rin si Dominique. Nandito na ang pagkain nila. Napapitlag siya ng biglang nagsalita si Wolf sa kabilang linya. "Ms. Narvaez is now in danger! Where the heck are you?" sigaw ni Wolf sa kan’ya "Got it! I'll send the exact location," dinig niyang sigaw ni Snake. Napatayo siya bigla sa kinauupuan at nagmadaling nilisan ang mesa. "Bullshit! Mukhang mapapatay ako ni Moore kapag may nangyaring masama kay Dominique!" galit na sabi niya nakalimutan niyang nasa dinig na pala sa kabilang linya. Narinig niyang may mga tumawa. "Yeah, gusto mong magpareserve na ako ng kabaong mo? Sagot ko na Fox. Kahit ‘yong pinakamahal pa ‘yan. Knowing Moore. Oh God, basta magtago ka na," natatawang sabi ni Wolf

