Napahawak siya sa noo ng makita ang mga bisitang nagtatawanan sa sala nila habang may inumin sa gitna. Crowded. Pakiramdam niya may fiesta dahil sa ingay. Sumandandal siya sa pintuan ng silid niyang nakasara habang pinagmamasdan ang mga ito. Feel at home talaga ang mga ito? Si Dave at Ezekiel ay nagsusungka naman. Si Blake na katabi si Sebastian nanunood ng palabas. Kaharap din ng mga ito si Grecco at Akilah. Si Caleb naman kalong ang anak na tumatawa din. Parang ngayon niya lang nakita itong ngumiti ng ganoon, ulit. Ang saya nito tingnan. Mayamaya ay tumingin ito sa gawi niya. Matamis na nginitian niya ang binata. Gumanti din ito. "Come, Sweetheart!" tawag nito sa kan’ya. Lumapit siya sa mga ito. "I'm sorry. Ang dami mong bisita, Dom. Back up daw kasi, eh! " pambubuko ni Ezekiel na

