Ibinagsak ng binata ang pagal na katawan sa tabi ni Dominique. Mahigpit na niyakap siya nito pagkuwan. Hinarap niya ito at masuyong tinitigan. "I love you, Caleb," masuyong sabi niya. "I love you too, Celeste Dominique. Soon to be my wife," tugon nito at hinaplos ang mukha niya. "Akala ko hindi na kita ulit makikita, kayo ng anak natin. Bago pa man ako himatayin nasa isip ko na baka… baka mas malala pa ang mangyari sa akin, sa atin. Na baka maulit lang ang nakaraan. Ayoko na ulit masaktan Caleb, ayoko na…" humihikbing sabi niya. "Ssshhh… Tapos na iyon, kasama ka na namin ng anak natin. Hinding hindi na mauulit iyon. I've learned my lesson, At kahit magkalayo tayo hindi ako makakapayag na may mangyaring masama ulit sa’yo, at sa anak natin. Pangako ‘yan, Sweetheart," anito at masuyong hi

