bc

Love Is All That Matters

book_age16+
993
FOLLOW
2.5K
READ
possessive
teacherxstudent
CEO
drama
bxg
campus
office/work place
school
professor
naive
like
intro-logo
Blurb

Ang tanging pangarap lang naman ni Dalha Mae ay makapagtapos ng pag-aaral para tuluyan na siyang makaalis sa poder ng mapang-alispusta niyang tiyahin. Malapit na sana niyang makamit ang pangarap kung hindi lamang nagkaroon sa kaniya ng pagtingin ang isang college student na si Elliot Sarmiento. Malaki ang pagkakagusto nito sa kaniya. Mayaman ito at maaari itong makatulong para mas madali niyang maabot ang kaniyang pangarap. Ngunit isang tao ang tila humahadlang sa paglalapit nila ng binata. Cace Sarmiento; ang English Teacher ni Dalha. Nakatatandang kapatid ito ni Elliot. Wala naman siyang pakialam sa magkapatid, pero sa ilang beses na pagkukrus ng landas nilang tatlo, dalawang bagay ang nagpapagulo sa kaniyang isipan. Humahadlang ba si Cace dahil ayaw nito sa kaniya para kay Elliot? O humahadlang ito dahil may pagtingin ito sa kaniya? Naguguluhan siya. Pero isa lang ang paniniwalaan ni Dalha. Iyon ay ang malalim at mapusok na na halik ni Cace na alam niyang may ipinababatid na kakaiba.

chap-preview
Free preview
Simula
"Ikaw ang dahilan kung bakit wala na ang anak ko! You ruined our family! You took away my son and now you have the audacity to show yourself in front of us?!" Malakas na sigaw ni Mama bago ako kinaladkad palabas ng bahay ng mga ito. "Mama, wala akong kinalaman sa nagyari. Hayaan ni'yo naman po akong makasama kahit sa huling hantungan ang asawa ko." Umiiyak kong pakiusap. Wala pang isang buwan nang ikasal kami ni Elliott. His mother never liked me. Lalong tumindi ang disgusto nito sa akin nang ianunsiyo ni Elliott ang tungkol sa aming kasal. We were in a relationship for almost two years. Sa loob ng dalawang taong iyo'y ni minsan hindi man lang ako pinakitunguhan nang maayos ni Mama. She intended to shows her hatred for me. Kahit na nariyan si Elliott ay walang pakundangan kung maliitin ako nito. Elliott was a mama's boy. He was very dependent to his mom. Bawat plano sa buhay namin dapat na isangguni muna nito sa ina. Sa lahat ng iyon, ni minsan hindi ako nagreklamo. Tinanggap ko ang mga masasakit na salitang binibitiwan ni Mama. Mahal ko si Elliott kaya nagbingi-bingihan ako sa mama nito. Noong bago sumapit ang kasal nami'y napapansin ko na ang pagbabago sa katawan ni Elliott. Humumpak ang katawan nito't nanghina. Noong una'y isinawalang bahala namin iyon, dahil sinabi naman nito sa aking ayos lang ito. Until our wedding day came. Hindi nasunod ang planong beach wedding. Kaya ikinasal kami ni Elliott sa opisina ng Mayor. I didn't care kahit hindi engrande ang naging kasal namin. I love Elliott so much that I would marry him even in our room. Masayang-masaya ako noong araw na iyon. Pero kabaligtaran ang nararamdaman ni Elliott. His family wasn't even there to support our wedding. Dahilan para mag-isip ng kung anu-ano si Elliott. He got paranoid sa isiping hindi ito mahal ng pamilya nito. A week after our wedding, I started to notice something unusual. Elliott always wanted to be alone. May mga pagkakataong nakikita ko itong nakatulala habang nakakunot ang noo. Palagi ko naman itong tinatanong kung anong problema, pero ni minsan hindi ito sumagot. Hanggang sa pag-uwi ko galing school ay nakita ko na lamang na maraming tao sa bahay. May ilang pulis na nasa labas. Maraming sasakyan at mga taong nagkukumpulan. At first I didn't bother to ask what's happening, sa pag-aakalang sa kapitbahay ang dahilan kung bakit maraming tao. But I was wrong. I was shocked when mama slapped me. Halos mamanhid ang pisngi ko dahil sa lakas niyon. My world literally stopped nang makita kong may ibinababang bangkay mula sa second floor ng bahay namin ni Elliott. It was Elliott. "No..." mahina kong sabi habang pilit na kumakawala sa pagpipigil sa akin ni mama na lumapit sa asawa ko. Nang mga oras na iyo'y gusto kong magwala at magsumbat. Pero hindi ko nagawa. I got scared. I was scared. Isa pang malakas na sampal ang natamo ko. This time it was from Estella; Elliott's eldest sister. "Sinasabi ko na nga bang walang magandang maidudulot ang pagpapakasal sa iyo ni Elliott! Ikaw ang pumatay sa kapatid ko!"Galit nitong wika na siyang ikinatingin sa amin ng mga taong nakikiramay. "Ate..." "Patay na si Elliott, Dalha. Wala ka nang karapatan sa pamilya namin. You ruined this family! Lahat ng lalaki sa pamilyang ito nawala nang dahil sa iyo! Now leave or I'll call the cops." Malamig nitong sabi na lalong ikinaluha ko. Wala man akong karapatan sa pamilya nila, may karapatan naman ako sa mga labí ng asawa ko! Pero gaya nang dati'y hindi ko iyon naisatinig. Bagsak ang balikat na lumabas ako ng malaking bahay ng pamilya ng asawa ko. Walang tigil sa pagtulo ang aking mga luha. Ngayon ko lalong naramdaman ang mag-isa. I have no family, but when Elliott came, everything went different. I found my whole world to him. He's the only family I had. But sadly, he left me without saying goodbye. Mariin akong napapikit nang maramdaman ang pagpatak ng tubig-ulan sa aking mukha. Hindi ko napigilan ang mapangiti nang mapait dahil pakiramdam ko'y dinadamayan ako ng panahon. Malas nga siguro ako gaya nang palaging sinasabi sa akin ni Estella. Namatay ang papa nila noong tinulungan ako nitong makaahon sa malakas na agos ng ilog sa farm ng mga ito. Tito Renato was a good man. Parang anak na ang turing niya sa akin. Malimit akong pag-initan ni Estella dahil doon. Kaya nang malunod si Tito Renato'y ako ang sinisisi nila. Pangalawa si Cace. Ang panganay sa kanilang magkakapatid. Umalis ito nang walang paalam. Hanggang ngayo'y hindi pa rin bumabalik. Ako ang sinisisi nila dahil naging malapit ako kay Cace. We're not just friends, we're more than that. And Elliott. May kung anong kamalasan nga sigurong kaakibat ang pangalan at pagkatao ko. Isang marahas na paghinga ang aking pinakawalan bago tinungo ang kinaroroonan ng aking kotse. Sinadya kong sa malayo iyon ihimpil. Dahil nahihiya ako't baka maliitin na naman ni mama ang kalumaan niyon. Habang naglalakad sa kadiliman ay unti-unting lumakas ang ulan. Dahilan para mapahinto ako. Niyakap ng tubig ang aking katawan kasunod ay ang lamig na dala ng malakas na hangin. Akma akong magpapatuloy sa paglalakad nang isang kamay ang pumigil sa akin. Mahigpit na nakahawak iyon sa aking braso. Lilingunin ko na sana ito nang walang pasabing itinalukbong nito sa akin ang sariling jacket. "Magkakasakit ka Dalha..." Tila naninagas ako nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. I forgot everything when I heard him heaved a sigh. Siya nga, siya lang naman ang mahilig na bumuntong-hininga kapag kasama ako. Bakit ngayon lang siya nagpakita? Bakit ngayong naikasal na ako sa kapatid niya? "I don't want to get sick either. Let's go..." seryoso niyang sabi bago ako hinila palapit sa itim na kotse sa tabi ng luma at pupugak-pugak kong sasakyan. Singlamig ng malakas na ulan at hangin ang katahimikan nang makapasok ako sa mabangong sasakyan ni Cace. "Cace..." "Rest, save your energy. Nangangayayat ka na Dalha." "I'm okay, gusto ko lang—." "You're not okay!" He snapped. Hindi ko napigilan ang muling pagtulo ng aking mga luha. Katulad pa rin siya nang dati. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata. Noon ko lamang naramdaman ang kapaguran. "Bakit ka bumalik?" "Bakit ka nagpakasal?" Mariin kong nakagat ang aking ibabang labi. "You left me! Iniwan mo ako sa gitna ng mga mapanuri't mapangbintang mong pamilya! Elliott was the only one who stayed! Pinaramdam niya sa akin ang mga bagay na dapat ikaw ang nagpupuno! He loved me more than anyone else!" Marahas na napabuga ng hangin si Cace. "Kung talagang minahal ka ng kapatid ko hindi ka niya iiwan ngayon! Kung talagang totoo ang nararamdaman niya hindi siya magpalalamon sa depresiyon! Dapat ipinaglaban ka niya!" Natigilan ako. Bakit nga ba hindi iyon ginawa ni Elliott? Bakit nga ba mas pinili niyang gupuin ng depresiyon kaysa harapin iyon na kasama ako? "Then why are you here?! Bakit ka pa bumalik?!" "Sinabi ko sa'yo na babalik ako, babalikan kita. But you chose Elliott over me. Hindi ka kumapit sa pangako ko Dalha." "I hate you Cace." "I hate you too." Malamig niyang sabi na ikinaiwas ko ng tingin. "Ihahatid na kita sa bahay mo. Ipapakuha ko na lang ang kotse mo rito bukas." Sa ganoon natapos ang pagtatalo namin ni Cace. Inihatid niya nga ako sa bahay. Hindi nakaligtas sa akin ang mapanuri niyang tingin sa bahay na iniwan sa akin ni Elliott. Sandali lamang iyon pagkatapos ay iniwan niya na ako. Tahimik na pumasok ako sa loob. Binuksan ko ang ilaw sa sala at marahang tinungo ang sofa. I was about to lay down on the couch when I suddenly realized; I still have his jacket. Nakalimutan kong ibalik. Pinakatitigan ko iyong mabuti. Kasunod ay wala sa sariling nahiga akong yakap-yakap iyon. Hinayaan kong lamunin ako ng antok at lunurin ng mga alaala ng kahapon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
52.3K
bc

His Obsession

read
51.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
62.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
7.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
8.2K
bc

The Ruthless Blind Master (SSPG/ R-18)

read
21.5K
bc

LUPITA : THE MASTERMIND

read
46.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook