Kabanata 1

1543 Words
"Hala, late ka na! Nakaalis na si Sir, Dalha." Malakas na sabi ni Georgia pagkapasok ko pa lang sa classroom. Nasa grade twelve na ako. Kaunting sikap na lang ay makakatuntong na ako ng kolehiyo. Kaya kailangan ko talagang magtrabaho para makapag-ipon. "Naku, pwede pa naman sigurong humabol, 'di ba? Nasaan kaya si Sir ngayon?" Nag-aalala kong tanong. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng oras para gawin ang nasa workbook ko. Marami akong ginawang trabaho sa convenience store sa bayan. Tapos siyempre, may mga ginawa pa ako sa bahay. Nakakahiya naman kay Tiya baka tuluyan na akong palayasin niyon. "Eh may klase pa tayo. Mamaya mo na lang iyan ipasa, hanapin mo sa college department. Huling klase na tuturuan niya sa araw na ito ang klase nila Elliott." Nakangisi namang sagot ni Lois. Napaiwas na lamang ako ng tingin. Halata kasing tutuksuhin na naman nila ako. Paano ba naman kasi'y kumalat sa buong school na may gusto sa akin si Elliott. Nakakailang at nakakahiya nga dahil napakayaman niyon. Baka isipin pa nitong assuming ako't nagugustuhan ang mga panunukso ng mga kaibigan. "Ganoon ba..." patay malisya kong sagot bago naupo sa aking upuan. Inabala ko ang sarili sa pakikinig sa aming guro. Gusto ko sanang mag-excuse para ipasa ang workbook kaya lang ay nahihiya ako. Lalo na't napakaistrikto pa naman ni Sir Indigo. Natapos ang buong klase nang bandang alas-tres ng hapon. Sana ay may isa pa kaming subject na pag-aaralan kaya lamang ay may sakit si Ma'am Remy kaya pinauwi na lamang kami. "Samahan niyo naman akong magpasa, oh?" Sabi kong nginisihan lang ni Georgia at Lois. "Talagang sasama kami, marami kayang gwapo sa college department." Napangiti na lamang ako. Alam ko namang hindi talaga iyon ang dahilan nila. Gusto lang talaga nila akong makitang pumunta sa room nila Elliott. Tahimik kaming naglakad papunta sa college department. Wala akong imik dahil sa kaba; baka kasi hindi na tanggapin ang workbook ko. Samantalang ang dalawa kong kasama kulang na lang maging direktor sa isang pelikula sa sobrang lawak ng imahinasyon. "Uy, nandito na pala tayo!" Nakangising sabi ni Georgia habang tinitingnan ako. "Mukhang wala namang klase sina Elliott. Look oh, he's outside." Kinikilig naman na puna ni Lois. Kaagad na lumipat ang tingin ko sa pinto ng classroom nila Elliott. Nasa labas nga ito gaya nang sinabi ni Lois at Georgia. "Eh di, wala si Sir. Tara na umalis na tayo." Pagyaya ko sa dalawa. Akma akong aalis nang mabilis na hinila nila ako palapit sa grupo nila Elliott. Hindi nakalagpas sa aking pandinig ang mga tuksuhan at hiyawan ng ilang college students. "Sarmiento, nariyan na ang crush mo!" sigaw ng isa sa mga lalaking nakaupo sa tapat ng kanilang room. Naramdaman ko ang pag-init ng aking mga pisngi. Wala akong nagawa nang magbigay daan ang mga estudyante para makalapit ako kay Elliott. Nakayuko at marahan akong naglakad palapit dito. "Hi, Dalha, may kailangan ka?" Tanong nitong nakangiti. "Uh, i-itatanong ko l-lang sana kung p-pumunta ba rito si Sir C-Cace?" "Si Kuya? Bakit, anong kailangan mo kay Kuya?" Seryosong tanong nito sa akin. Saglit na tumingin ako sa paligid nang mapansing tahimik na ang mga nag-iingay kanina. Lahat sila ay atentibong nakikinig sa pinag-uusapan namin ni Elliott. "Magpapasa sana ako ng workbook. Nalaman ko kasing kayo ang huli niyang tuturuan sa araw na ito. Pero mukhang wala naman si Sir kaya aalis na lang ako." Mahina kong sagot. Napansin ko ang pagtango ni Elliott. "Gusto mo ako na lang ang magpasa? Ibibigay ko sa kaniya sa bahay. Sure na tatanggapin niya iyan kahit late na." "Hindi na, hindi ko na lang ipapasa. Unfair naman kasi sa iba kong kaklase kung magpapasa pa ako gayong lagpas na sa oras ng pasahan. Salamat na lang Elliott." Sabi kong napapailing. "Samahan na lang kita sa office niya, siguro naman naroon pa siya ngayon. Paalis kasi eh, may meeting si Dad, isasama raw siya." Muli akong umiling bilang pagtanggi. "Hindi na Elliott, salamat na lang." "Wait..." Mabilis nitong sabi habang may itinitipa sa cellphone. Pagkatapos ng ginagawa nito'y kaagad na akong nilingon habang nakangiti. "Nasa office niya pa si Kuya, punta ka na lang daw para ipasa iyan." Tila nabuhayan ako ng loob. Bigla akong napangiti. "Salamat, sige, mauuna na ako." "Sige, ingat ka Dalha!" Malakas na sigaw ni Elliott bago ako tuluyang lumayo. Malakas na hiyawan at kantiyawan ang narinig ko bago kami nakalayo nina Georgia sa college department. Hindi ko na lamang iyon pinansin dahil abala ang isip ko sa pagpapasa ng workbook. Akala ko'y hindi na talaga ako makakapagpasa. Kapag nagkataon, ito ang unang beses na mangyayari iyon. I'm always on time pagdating sa mga ganitong bagay. Ngayon lang talaga nahuli dahil marami akong ginawa sa trabaho at sa bahay. Nang makarating sa tapat ng office ni Sir ay nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Ako na lang mag-isa ngayon. Sinundo na kasi ng mga driver nila si Georgia at Lois. Marahan akong kumatok ng tatlong beses. Hindi naman na naulit iyon dahil narinig ko na ang boses ni Sir. "Come in..." Maingat akong pumasok sa loob. Sumalubong sa akin ang maaliwalas na opisina ni Sir Cace. Inilibot ko ang aking tingin sa buong kuwarto. Simple lamang ang office ni Sir. Hindi naman ako nakakaramdam ng pagkailang, pero hindi rin naman ako nakakaramdam ng kakampantehan. "Miss Gregorio..." Nabalik ang tingin ko kay Sir Cace. He was staring at me while I'm slowly walking towards him. "Uh, m-magpapasa po s-sana ako ng w-workbook." Nagulat ako nang mabilis na tumayo si Sir Cace pagkatapos niyang tumingin sa relong pambisig. Naalala kong may lakad pa nga pala ito. "Bakit hindi mo ipinasa kanina?" Seryoso niyang tanong habang isinusuot ang jacket. "Uh, late po kasi akong nakapasok dahil—" "Dahil sa trabaho?" Nangunot ang noo ko nang marinig iyon. Hindi naman sekreto ang pagtatrabaho ko sa convenience store sa bayan. Nagulat lang akong alam iyon ni Sir Cace. "Marami rin po akong ginawa sa bahay, late na po akong nakatulog kaya nahuli po ako sa pagpasok." Kinakabahan kong sagot. Ewan ko ba, pakiramdam ko babagsak na ang luha ko gayong hindi naman ako pinapagalitan ni Sir. "Okay, akin na, dadalhin ko na lang sa bahay para macheck ko." Nakangiting sabi ni Sir Cace sabay abot ng workbook sa aking kamay. "Eh Sir, ito po, hindi niyo po ba ito dadalhin?" Tanong kong nakaturo sa ilang workbook na nasa desk niya. "Natingnan ko na ang mga iyan. Ito na lang sa iyo ang hindi." "Okay po..." mahina kong sabi sabay talikod. "Uuwi ka na ba, Dalha?" Natigil ako sa paglalakad nang magtanong si Sir Cace. "Hindi pa po, dadaan pa po ako sa trabaho." Napapatangong sinipat ni Sir Cace ang relong pambisig. "Gusto mo bang sumabay, sa bayan rin naman ang tungo ko." Awtomatikong nanlaki ang aking mga mata. "Hindi na po, nakakahiya naman. Sige po Sir, mauuna na po ako." Mabilis kong pagtanggi bago lumabas ng kaniyang opisina. Hindi mawala ang malakas na kabog sa aking dibdib. Hindi ko alam kung sinasadya ba iyon ni Sir Cace dahil alam niya ang issue about me and Elliott. Nakakahiya! Baka iniisip ni Sir na may gusto rin ako kay Elliott! Gaya nga ng sinabi ko'y dumaan ako sa convenience store. Maaga pa naman, alas-sais ang oras ko para magbantay, pero wala naman akong ibang gagawin kaya uubusin ko na lang ang natitirang dalawang oras sa pagtulong kay Ate Jenny bago ko siya palitan sa puwesto. Alas-sais ang oras ng trabaho ko hanggang alas-onse ng gabi. Alam naman iyon ni Tiya Sabel kaya ayos lang na late na akong umuwi. Saka wala naman itong pakialam sa akin. Ang sweldo ko lang naman ang inaalala nito. "Uy Dalha, nariyan ka na pala." Nakangiting sabi ni Ate Jenny nang makita akong pumasok sa loob. "Wala ka nang pasok?" "Wala na Ate, kaya dito na ako dumiretso." Sagot ko sabay lapag ng bag sa upuang nasa gilid. "Halata nga, nakauniporme ka pa. May baon ka bang damit?" Marahan akong umiling bago ngumiti. "Ayos lang. Saka dagdag labahan lang kung magpapalit ako ng damit." "Dapat hindi ka na muna tumuloy dito. Baka may gagawin ka pang assignments at projects. Ubusin mo na lang ang dalawang oras para gawin iyon. Maupo ka na muna riyan. Ako na ang bahala ritong mag-ayos." Mahabang sabi ni Ate Jenny nang makitang inaayos ko ang mga nagulong cup noodles sa lagayan niyon. "Sige..." Mahina kong tugon bago naglakad palapit sa upuang nilapagan ko ng bag. Inabala ko ang sarili sa pagsagot sa mga assignment ko. Ilang sandali lamang ay tumigil ako para tulungan si Ate Jenny. Bigla kasing dumami ang mga namimili, uwian na kasi ng mga nagtatrabaho sa katapat naming establishment. Karamihan ay mga nanay na namimili ng snacks para sa mga anak o 'di kaya mga can goods. Natapos ako sa pagtulong na hindi na nabalikan ang gamit sa lamesang nasa gilid. Kinailangan nang umalis ni Ate Jenny kaya tuluyan ko nang pinabayaan na nakabukas ang gamit ko sa gilid. Wala namang makikialam niyon. Bihira ang kumakain dito sa loob. Karamihan ay sa labas lalo pa kung magbabarkadang maiingay. "Napakasipag mo naman, sa tingin ko malayo ang mararating mo sa buhay." Mula sa pagkakatalungko'y nabaling ang tingin ko sa lalaking nasa harap. Anong ginagawa rito ni Elliott?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD