Kabanata 2

1395 Words
"Hi!" Bati sa akin ni Elliott nang hindi kaagad ako nakapagsalita. Mabilis na iniwas ko ang aking tingin. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong kong napapasulyap sa wall clock. Alas-nueve na ng gabi. Nakakapagtakang nagawi rito si Elliott. Isa pa'y unang beses na makita ko ito rito sa loob ng dalawang taon kong pagtatrabaho. "Uh, nagutom kasi kami ni Kuya, kaya lumabas kami para kumain. Wala namang ibang bukas, ito lang, kaya dito na lang kami." Nakangiti niyang sagot bago nangalumbaba sa aking harapan. "Convenience store lang ito, hindi restaurant. Puro instant ang makakain ninyo." Kaswal kong sagot. Isang ngiti ang pinakawalan ni Elliott bago tumalikod. Hindi na ako nagtanong pa kung saan ito pupunta nang makita kong tumuloy ito sa hanay ng mga cup noodles at sa estante ng mga hotdog at sandwiches. Nang mapansing marami pang bibilhin si Elliott ay nilubayan ko na ito ng tingin. Baka kung ano pang isipin nito kapag nahuli ako. "Hindi ka ba napapagod?" Malumanay na tanong ng lalaking nasa harap ko ang siyang nagpabalik sa aking diwa. Mabilis ko siyang tiningala. Hindi ko napigilan ang pag-awang ng aking bibig sa bigla. Totoo ngang kasama ni Elliott si Sir Cace. "Good evening, Sir." Nahihiya kong bati. Iniwas ko ang aking tingin kahit na ba gustong-gusto kong pagsawain ang aking mga mata sa kaniyang hitsura. Ngayon ko lang kasi nakita si Sir na nakasuot ng kulay abong t-shirt at kupas na maong. Hindi nakaayos ang kaniyang buhok. Parang bagong ligo na hindi man lang inabalang suklayin ang buhok. Ibang-iba sa ayos niya kapag nasa school. Natatabunan ng medyo mahaba niyang buhok ang kaniyang noo haggang kilay. Ngayon ko lang rin nalamang mahaba ang kaniyang buhok dahil sa tuwing nasa school ay maayos iyon at tila laging may gel. Pasimple akong lumunok nang malanghap ko ang mabango niyang amoy. Sigurado akong hindi iyon pabango. Parang natural na amoy lang ni Sir pagkatapos maligo. "Dalha, tinatanong kita kung ayos ka lang ba?" Naulinigan kong tanong ni Sir. Noon ko lang napansin na nakatulala na pala ako. Nakalapat ang kaniyang kamay sa aking balikat habang ang hintuturo'y nakatusok sa aking pisngi. "You're spacing out Dalha, baka pagod ka na." "Hindi S-Sir! Ayos lang ako, nabigla lang sa ayos mo po. Nakakapanibago." Komento kong ikinangisi ni Sir Cace. Tila may kung anong nagrambulan sa aking tiyan nang makita ang pagngisi niyang iyon. Ngumingiti si Sir minsan kapag nasa klase. Pero iba ang ngisi niyang ito ngayon. He looks hot? Ano ba itong naiisip ko?! Calm yourself Dalha! He's your teacher! "Oh, so you like this looks better than what I usually—" "No Sir!" Malakas kong sabi na ikinatingin sa amin ni Elliott. Bahagyang kumunot ang noo nito habang nakatingin sa amin. Marahang lumingon si Sir Cace sa gawi ni Elliott. Kaagad namang ngumiti si Elliott bago ipinagpatuloy ang paghihintay na maluto ang cup noodles. "So where were we?" "Sir..." napapakagat-labing sabi ko. "You like my looks tonight, huh?" "Sir naman eh, hindi sa ganoon. You look intimidating when you're wearing your uniform. Nakakapanibago dahil ngayon ko lang nakita na ganiyan ang ayos mo." Pagpapaliwanag ko. Muli kong nakagat ang aking labi mukhang mali yata na nagpaliwanag ako dahil biglang nagsalubong ang mga kilay ni Sir Cace. "Uh, kasi si E-Elliott kapag ganiyan ang suot, parang normal lang though guwapo pa rin—." "Nililigawan ka ba ni Elliott, Dalha?" Tanong ni Sir Cace habang titig na titig sa aking mga mata. Bumaba ang tingin ko sa counter. Marahan akong umiling. "Bakit niya naman po ako liligawan?" Bigla akong kinabahan. Naku baka kung anong isipin ni Sir Cace. Baka magalit siya sa akin. "Good." Seryoso niyang sabi na ikinalunok ko. "Cause I don't want him to pursue you." Tila binalot ako ng lamig dahil sa sinabi ni Sir Cace. Ganito ba iyong nasa mga libro o mga palabas? Iyong pagbabawalan kang lumapit sa pamilya nila dahil mahirap ka? Sa isiping iyon bigla akong nanliit sa sarili ko. Ngayon ko napagtantong napakalayo ng estado ko sa buhay na tinatamasa nila. "Siguro po wala rin naman siyang balak na ligawan ako. Kung ang iniisip niyo po ay ang usap-usapan sa school, hindi po iyon totoo. Baka napagkatuwaan lang. Sino po ba naman ako, di hamak na—." "Enough." Mariing wika ni Sir Cace. Madilim ang pagkakatitig niya sa akin. Tila lalong hindi nagustuhan ang mga sinabi ko. "Wala po akong gusto kay Elliott, Sir. Kaya makakaasa po kayong hindi ko lalapitan si Elliott. Hindi ko na rin po siya kakausapin kung iyon ang gusto ninyo." Kinakabahan kong sabi. Marahang tumango si Sir Cace bago naglakad palapit sa table kung saan naroon ang workbook ko sa English. Hindi ko na pinagkaabalahang kunin pa ang mga gamit ko nang makitang binabasa niya iyon. Nakakahiya, baka may mali sa mga isinagot ko. "Anong pinag-usapan ninyo ni Kuya?" Tanong ni Elliott nang makalapit ito sa akin. Marahan lang akong umiling habang tinatanggap ang iniaabot niyang card. I should distant myself from them. They're rich, I'm poor. Napakapangit tingnan. "Thanks for—" "You're always welcome." Nakangiting putol ni Elliott sa pagsasalita ko. Muli akong tumango bilang sagot. Sinundan ko ng tingin ang paglapit ni Elliott kay Sir Cace. Nakita ko kung paanong kumunot ang noo ni Sir Cace habang nakatitig sa aking workbook. Kaagad niya iyong inayos at inilagay sa aking bag nang makalapit na si Elliott. Napapabuntong-hiningang inabala ko na lamang ang sarili sa pag-aayos ng counter. Wala nang ibang tao. Ako, ang magkapatid, si Kuyang nagbabantay sa labas at ang dalawang pares ng magkasintahan sa labas na lamang ang narito. Unti-unti ko nang nararamdaman ang pagod at antok. Gusto ko nang umuwi para sana makapagpahinga pero marami pa akong gagawin. Tiyak na tambak na naman ang mga hugasin sa bahay. Gagawa pa ako ng assignments. Pihadong late na naman akong makakatulog. Sana lang ay huwag akong mahuli ulit sa klase. First period pa naman si Sir Cace. "Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong sa akin ni Elliott nang matapos sila sa pagkain. Nakatayo lamang si Sir Cace sa gilid habang nakamasid sa amin. "Hindi pa, mamaya pa ang out ko." "Okay, mag-iingat ka rito Dalha." Nakangiti niyang sabi. "Salamat." Nang tumalikod si Elliott ay saka ko lamang pinakawalan ang hikab ko. Indikasyon na inaantok na ako. Kaagad akong lumabas ng counter at lumapit sa table na inukopa nila. Nilinis ko iyon. Uminom na rin ako ng tubig. Nagugutom na ako, nakalimutan kong maghapunan dahil sa dami ng namimili, dagdag pang panaka-nakang sinasagutan ko ang workbook. Maya-maya lamang ay pumatak na sa alas-diyes kuwarenta ang oras. Halos pumalakpak ang aking tainga sa isiping makakauwi na ako. Pero bigla akong nakatanggap ng text mula kay Kuya Roy. Mahuhuli raw ito dahil isinugod sa hospital ang asawang buntis. Manganganak na yata. Malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan. Bago naupo sa kinalalagyan ng aking bag. Binuksan ko ang aking cellphone para tawagan si Tiya Sabel. Pumayag naman itong hindi ako umuwi basta ibibigay ko ang kalahati ng aking suweldo sa kaniya. Para raw iyon sa hindi ko paghuhugas ng mga plato sa araw na ito. "Pero hindi naman ako ang gumamit niyon..." mahina kong sabi pagkatapos ng tawag. Muli akong napabuntong-hininga. Mukhang hindi ako makakapasok bukas. O kung makakapasok ma'y baka makatulog lang ako sa klase. Para hindi tuluyang gupuin ng antok. Inabala ko ang sarili sa pagma-mop ng sahig at pag-aayos ng mga tinda. Ilang beses na akong sinaway ng guwardiya namin na si Kuya Albert, pero hindi ako tumigil. Nahinto lamang ako nang makuntento na sa kintab ng sahig. Uunat-unat na tinungo kong muli ang table at uminom ng tubig. Kumakalam na ang sikmura ko. Kaya tinanggap ko na ang alok ni Kuya Albert na isang box ng kanin at isang piraso ng manok. Galing yata sa fast-food restaurant na nasa kabilang kanto. Twenty-four hours din ang fast-food restaurant na iyon bakit dito pa kumain si Elliott at Sir Cace? "Salamat Kuya Al!" "Naku, hindi naman sa akin galing iyan. Ipinaabot lang no'ng lalaking pumunta rito kanina. Mukhang kakilala ka yata." Natigil ako sa akmang pagkagat sa hita ng manok nang marinig iyon. Si Elliott lang naman at si Sir Cace ang pumunta ritong kilala ko. Kibit-balikat na kinain ko na lamang ang pagkain. Gutom ako kaya hindi ko kailangang mag-inarte. Bahala na kung sino sa dalawang iyon ang nagbigay. Magpapasalamat na lang ako kapag nakapasok ako kinabukasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD