PUMASOK si Hades sa kanilang bahay nang tahimik. Wala na siyang naabutan sa sala at bahagyang patay na rin ang ilang ilaw sa kabuoan ng bahay, iilan na lamang ang bukas kaya naman tiyak siyang nagpapahinga na ang mga ito. Paakayat na siya sa kaniyang kwarto nang mapahinto dahil sa nakita. Nakatayo ang kaniyang ama sa dulo ng hagdan at titig na titig ito sa kaniya. “Where have you been?” her dad asked her, voice was serious and staring at her. “Gusto ko lang mapag-isa,” tugon niya rito at nag-iwas ng tingin. Naglakad siya paakyat ng hagdan at nilagpasan ang ama. Nahinto na lamang siya at dumaing nang hawakan nito nang mahigpit ang kaniyang braso. “Ouch! Dad! What are you doing!? Get off me.” Hindi sumagot ang kaniyang ama at hinatak siya papasok sa isang silid. Tinulak siya nito paupo sa