“ANONG nangyayari?” tanong ni Seki nang sunduin siya ng ilan sa tauhan ng kanilang ama. Hindi niya na gawa pang magpaalam nang maayos kay Hades dahil nang matapos niyang makipag-usap sa telepono ay hindi niya na ito nakita pang muli. Nakaramdam siya ng inis dahil sa paglalaho ng babae nang biglaan ngunit batid niyang may dahilan kung bakit nito nagawa ang bagay na iyon. Ang hindi lamang niya tiyak ay kung ano ang dahilan nito. “Hindi nila sinabi ang dahilan,” tugon ng kasalukuyan niyang driver na siyang maghahatid sa kaniya pabalik sa Seven Dwarf. Hindi naman na siya nagtanong pang muli hanggang sa makabalik sila sa Seven Dwarf. Sinalubong siya ng kaniyang mga kaibigan sa lobby. “Seki! Saan ka ba galing? You’re impossible! Anong oras na at lumabas ka pa,” bungad na pagalit naman sa kan