WALANG kaalam-alam si Seki sa nangyaring pagtambang sa kaniyang mga kaibigan na sina Daphnise at Cross kung hindi pa sinabi ng kaniyang ina. Hindi siya pinayagang lumabas ng hacienda at nangako ang ina na dadalhin din doon ang kaniyang mga kaibigan. Pumayag naman siya at nanatili sa hacienda ngunit naiwan siyang mag-isa sa isang malaking bahay nang hindi mapakali at palakad-lakad. Nag-aalala siya sa kaniyang mga kaibigan. Dahil sa nalaman ay hindi na siya tinigilan ng matinding kaba at pag-aalala. Kinuha niya ang kaniyang cell phone at idinial ang numero ng kapatid. Sa unang pagtawag ay tumunog ito ngunit walang sumagot, sa kaniyang isip ay baka nailapag lamang kung saan ng kapatid ang telepono at hindi nasagot ang kaniyang tawag kaya naman sinubukan niyang ulitin. “Sere! Come on! Answer