HINAWAKAN ni Cross ang braso ni Daphnise upang pigilan ito sa takhang paglabas ng sasakyan. “No, Daphnise, I won’t let you go out and begin with your plan.” Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa braso nito. “Daphnise, we need a better plan, don't just leave here having your madness.” “That's crazy, Cross. Kung sasama ka, sumama ka. If not then I don’t care.” Bumuntong hininga si Daphnise at hinatak ang braso mula sa pagkakahawak ng kaibigan. Nagmamadali siyang lumabas ng sasakyan matapos isuksok ang hawak na baril sa tagiliran. Hindi na nagdalawang isip pang sumunod si Cross at lumabas din ng sasakyan. Hindi niya hahayaang may mangyaring masama kay Daphnise dahil lang sa kalokohan nitong naiisip. Batid niyang masama ang loob nito at puno ng galit dahil sa ginawang masama ni Zeigler. Si