MABILIS na lumipas ang araw. Ipinagpahinga lamang ni Seki ang mabigat niyang kalooban dahil sa pag-iwan sa kanila ng itinuri niyang kapatid na si Daphnise. Batid niyang madalas itong umaalis ng bansa upang doon mag-aral at tumira sa mga magulang ngunit alam din niyang dito sa Pinas talagang napamahal si Daphnise at dito rin nito nais manirahan. Dito sa Pinas binalaka ng babae na manatili gayoong nasa tamang edad na ito para magdesisyon, ngunit hindi pala iyon ang tama. Ano man ang mangyari, kaligtasan nito ang kailangan nilang unahing isipin. Nakita ni Seki ang matinding pagdadalamhati ng kaniyang kaibigang si Zeus. Sinubukan nilang tawagan ang numero ni Daphnise ngunit nakapatay na ito. Sinubukan din nilang tawagan ang mga magulang nito, subalit, maging ang mga ito ay hindi na rin matawag