NAGPAKATATAG si Hades, para makita si Seki ay muli siyang nagpalakas ng katawan at pinilit alisin ang lahat ng salit na nararamdaman. Batid niyang malabong mangyari iyon, subalit pinilit niya ang sarili. Pinanatili niya ang madilim na awra at lumayo sa maraming taong nasa kaniyang paligid at isa na roon ang kaniyang ama. Umalis siya ng bahay at tumira sa isang apartment. Ginamit niya ang kaniyang ipon ngunit kinailangan niya ring magtipid kung kaya naman sa isang maliit na apartment na lamang siya nanatili. Sa kaniyang palagay, tila walang nakalaang kasiyahan para sa kaniya. Buong buhay siyang nakulong sa kalungkutan kasama ang masamang ama at ngayon lamang niya napagdesisyunang lumayo rito. Noon pa niya binalak ang pag-alis sa kanilang bahay subalit iniisip niya ang perang kakailanganin n