NAPANGIWI si Coco maging sina Daphnise at Cross nang makita nila ang tinatawag na koral. Napakaraming baboy sa loob nito. Hindi sila maarte ngunit ang amoy nito ay talagang hindi kaaya-aya. Ganoon pa man ay hindi sila nagsalita pa patungkol doon, isa sa kanilang paboritong karne ang baboy kaya naman nang malaman masaya pa rin silang makakita ng malulusog na alagang baboy sa bukid. Sinimulan nang pakainin ang mga ito sa loob mismo ng mga kulungan. “Paano natin sila kukunin, ang lalaki nila.” Tumawa si Coco at napakamot sa kaniyang batok. Tumingin siya kay Mang Jose. “Mas malaki pa sila sa akin.” Nagbalik tingin siya sa naglalakihang alagang baboy sa loob ng koral. “Kami na lamang ang kukuha sa kanila, pero mayroong maliliit na biik ang dinala sa putikan para magpalamig, p'wede n'yo ba a