IKALAWANG araw nila sa Hacienda Villa Gracia, bumalik sila sa bukid upang tumulong sa ilang mga trabahador ng bukiran. Suot ang kani-kanilang damit sa pagbubukid, mahahabang manggas at sumbrerong panlaban sa initan ay magkakasama sila muling nagtungo sa bukid. Palihim na nagtutungo sa hacienda ang isa sa mga tauhan ng kanilang mga magulang upang sila ay tignan at bantayan. Inaalam nito ang lahat patungkol sa kanilang ginagawa at iniuulat sa kanilang mga magulang. Sigurado ang mga ito na kasalukuyan nang pinaghahanap ang kanilang mga anak ng underground big boss na si Ethan Zeigler at ipinangako nila sa sariling gagawin ang lahat upang itago ang mga kabataang ito mula sa maruming kamay ni Ethan. Nagtungo ang magkakaibigan sa bukid at sinimulang tumulong sa mga magbubukid. Tumulong sila sa