MAGKAKASAMA ang magkakaibigan sa malawak na hardin sa loob ng hacienda. Naisipan nilang doon magmeryenda at magpahangin. Gawa ng mga punong nakapaligid sa kanila ay malamig ang simoy ng hangin na humahawi sa kanilang balat. Habang nasa hardin ay hindi maiwasan ng magkakaibigan na malungkot. Dalawa sa kanila ang wala, si Stravens at Daphnise na parehong sapilitang inilayo sa kanila ng mga magulang nito. “Wala ba kayong sasabihin? Maglaro tayo?” wika ni Coco na nakapangalumbaba sa lamesa. Pinaglalaruan nito ang labi ng tasang may lamang kape. “I'm bored, tapos na ako sa online class ko.” Inikot-ikot nito ang palad sa labi ng tasa at tulala sa ginagawa. Malalim na napabuntong hininga si Seki. “Mukhang mga wala sila sa mood.” Tumingin siya sa mga kaibigan na magkakahiwalay ng pwesto, si Ze