Chapter 7: Her Moves

1316 Words
Zen's POV Weekends na naman nakakaboring sa bahay, ayoko namang gamitin yung skate board ko dahil baka mapudpod. Nakatitig lang ako sa kisame ng kwarto buong araw, tindi ko diba? Ayoko rin namang sumama kay Ji at Yel sa mall katulad nga kasi ng sinabi ko may pag ka anti social ako,kaya nga madalas ako masabihan ng cold dahil lagi akong nag iisa at hindi namamansin ng tao. Pero napapaisip pa rin ako sa mga nangyari sa aming apat! Hindi ko pa rin ganon lubos na kakilala si Dix. Pero handa pa rin akong mag pa imbestiga kung kinakilangan, hindi ko alam pero parang ang lakas ng pakiramdam ko na kailangan ko siyang alamin o kailangan kong alamin yung buong pag katao niya, weird na ba ako? Sa bagay since birth yata weird na ako. Tahimik sa buong kabahayan tanging yung mga ibon lang o di kaya patak ng mga tubig ang maririnig, nakakabingi pero nakakatulong sa akin na makapag isip ng maayos at tama. Hindi ko pinapaalam sa mga kaibigan ko ang mga problema ko dahil hanggat maaari ayoko silang madamay na dalawa sa mga gulo na pinapasok ko, ganon sila kaimportante sa akin kaya sana maintindihan nila. Tsk! Pero bakit ba ganon nalang yung galit ni Nick kay Dix!? Bakit ang sabi niya ay gusto niyang maghiganti para sa kapatid niya!? Putspang buhay to oh! Pinanganak lang ako para manuntok! Pagyabang at higit sa lahat maging siga! Hindi ako para rito! Pero bakit parang ganon nalang ako kagustuhan kong malaman ang buong personality niya!? Nabubuang ka na Zen! Umayos ka baka ikamatay mo yan sige ka! Badtrip! Tumayo nalang ako at nagpunta sa kusina, mas maigi ng lumamon kesa mamatay kakaisip sa walang kwentang bagay! Walang kwenta nga ba? Bigla nalang nag flash sa isip ko ang usapan na naman naming apat, apat ng mag e-ex at ang dalawa ay taksil at ang dalawa ay bida! Pangteleserye ang lintek! Pero sa tuwing makikita ko pa rin si Loard di ko pa rin maiwasan na tignan siya lalo na sa mga mata niya na noon ay laging nakatingin sa akin at punong puno ng saya. Yung mga ngiti niya na dapat para lang sa akin ngayon nasa iba na. Nakaraan ay nakaraan pero anong gagawin ko kung pilit nila akong hinihila pabalik!? Gusto ko nang mag move on pero paano!? Gusto ko ng maging malaya pero bakit hindi ko magawa!? Dahil ba mahal ko pa rin siya? Sya pa rin ba? Bakit? Hanggang kailan? Matatapos pa ba to? May pag asa pa ba? At higit sa lahat ako parin ba ang laman ang puso't isip niya? Wag kang mag assume Zen dahil masasaktan ka lang. Ayoko pang magmahal ulit dahil alam ko sa sarili kong hindi ko pa kaya. Masasaktan ko lang siya. Paiiyakin. At magagalit sa akin Gusto ko munang makalimot ng tuluyan bago ako ulit dumaan sa ganon. Ang gusto ko ay nasa kanya lang ang buong atensyon ko in shot ayoko siyang gawin. REBOUND! PANAKIP BUTAS! Sa ngayon pag aaral ko nalang muna at ang pag iimbestiga nalang. At ang GANG! Tsk tsk tsk mataas ang posisyon ko Mr. Prin hindi ko lang lam ang sa iyo pero alam kong may alam ka dahil hindi basta basta sumusugod si Nick sa kung sino sino para lang sa walang kwentang bagay. Pero bakit nadamay dito yung kapatid ni Nick!? Ang alam ko ay sumakabilang buhay na siya in short mag dadalawang taon na siyang patay! Ano yo'n nag mumulto!? Pero bakit biglang nadamay dito si Eugine? si Gin nalang for short, nakababatang kapatid ni Nick. Close sila dahil madalas ko silang makita sa lugar namin na masaya. Kung iisipin nakakalungkot naman talaga na namatay si Gin naging mabait rin siya sa akin, at tinuring na parang kuya o kapatid. Pero ano nga ba ang dahilan bakit siya nadamay? Namatay siya sa isang aksidente yun ang sinabi sa akin ni Nick pero--basta! Kumuha ako ng beer sa ref at kinuha yon. Ke aga aga pero ayos lang naman ito lang nakakapag pakalma sa akin pero never akong nag adik. Naupo ako sa sofa at inilapag ang beer sa katabing table nito at nahiga naman ako sa sofa. Sa dami ng iniisip ko ngayon paano pa ako makakapg aral ng maigi nito!? Inis kong kinuha ang beer at tumungga ulit at ng isa pa at ng isapa! hanggang sa maubos na! Napatitig nalang ako sa mga kamay ko na hawak ang lata ng beer na hawak ko. Jayross Dixon Prin sino ka at anong kinalaman mo sa pamilya Santos? At ano ka sa gang? Paano ka nakapasok? Bwisit! Dix's POV Boring talaga ang weekends para sakin, walang magawa, nakatunganga, walang makausap, at higit sa lahat mag isa lang ako! Hindi ko naman magawang abalahin si Vin dahil ayoko siyang madamay sa gulo namin ni Nick, si Nick ano bang ikinagagalit no'n!? At bakit nadamay si Gin dito!? Eh matagal ng patay yo'n!? Tsk tsk tsk mag kaibang mag kaiba sila ng kapatid niya. Maya maya pa. Nag vibrate ang phone.Hindi ko na tinignan kung sino basta sinagot ko nalang. "Hello?" medyo inis konh tugon dahil nag iisip ako ay may biglang sisingit! "......" wala akong nakuhang tugon. "Hello?" malumanay na tanong ko ulit pero. "HAHAHAHAHAH!!" Malakas na tawa lang ang narinig ko mula sa kabilang linya! siraulonh to ah!? Lakas maka tawag tapos tatawanan ang buset!? Nakakunot noo ko nalang tinignan ang cellphone ko at ini off yo'n, ayan wala ng istorbo. Nakapikit ako ng may maramdaman akong tao sa loob ng bahay ko. Agad kong iminulat ang mata ko saka dahan dahan tumayo. Sumilip akong bahagya sa bintana tama ako may motor na nakapark sa tabi ng kalsada at hindi pamilyar sa akin yo'n. Ngayon sino naman to? Dahan dahan kong ibinuka ng bahagya ang pinto at nung makatiyak ako na walang tao sa harap ay saka na ako lumabas. 'Sino naman kaya ang baliw na to..pumasok ka sa lungga ng tigre kung sino ka man..' Hindi ako professional pero marunong akong dumipensa, hindi ko nga lang alam kung mabubuhay ka pa. Parang walang gana naman akong bumaba ng hagdan, pasimple akong sumili sa labas ng bintana pero walang tao do'n. 'Clear..' Kumuha ako kunwari ng snacks and drinks sa kusina saka umupo sa sala at kumain lang hindi ko binuksan ang tv dahil kasama yan sa plano ko. Ang sofa kase sa bahay ko ay nasa harap mismo ng bintana na katapat ng TV kayabin short kapag may dumaan sa likod bahay ko ay madali ko yong makikita dahil sa reflection sa TV. 'Nice one..' Kumain muna ako ng kumain..'HULI KA!' Lalaking naka black mask at naka black jacket siya, may katangkaran rin pero mas lamang pa rin ako pero mas malaki ang katawan niya kumpara sa akin. 'Tsk tsk tsk malusog na karne para sa isang takam na takam na tigre!' Nakangisi ko lang siyang pinanood sa reflection niya sa TV dahan dahan siya at panay ang lingon na para bang takot na takot na may makakita sa kanya. 'May nakakita na sayo shunga kalang talaga...' Napapailing nalang ako saka kinuha ulit ang drinks na nakapatong sa table at muling tinungga iyo'n. Pasimple kong pinatay ang ilaw sa kusina para mag mukhang wala talagang tao sa bahay. Madilim sa buong kabahayan ko at ako naman ay hindi ko na kailangang pumikit dahil sa sobrang dilim! 'Hanep! effort ahh!?' Natamdaman ko na siyang pumasok sa loob. TIK! Narinig kong binuksan niya ang ilaw. At syempre ang inaasahan ko ay magugulat talaga siya. "Hello, nice to meet you Sir." pormal kong bati sa lalaking nagitla sa aking harapan. Agad siyang may kinuha sa likod niya at syempre balisong. Tsk tsk tsk, takot na ang patuka.. Dahan dahan akong tumayo at lumapit sa kanya. Pero di pa man ako nakakalapit ng tuluyan ay sinugod niya na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD