Chapter 8: Fault

905 Words
Zen's POV Okay isang araw nalang pasukan na, naka ready na ang mga gamit ko at nakahanda na lahay ng kakailanganin ko para sa pasukan. Di naman ako masyadong excited konti lang konting konti lang mga three percent lang. "Zen." tawag sa akin ni Yel. Binigyan ko lang siya ng nagtatakang tingin. Bumuntong hininga siya saka tumingin sa akin. "Bakit?" tanong ko. Kung makikita niyo lang ang mukha ni Yel ngayon at napaka seryoso.Napapalunok na ako ng bahagya. Ano na namang ginawa ko? Hotseat? "Zen pasukan na!" bigla niyang sigaw. What the hell! Gulat akong tinignan siya, loko loko talaga to kahit kailan. Pero nakahinga ako ng maluwag akala ko kung ano na. "Tsh." yun lang ang nging tugon ko. "Zen nakita ko si Lard kahapon." biglang usal ni Yel. Nilingon ko siya kaagad. Nakita niya kaya kami? "Saam?" kunwaring tanong ko tanong ko. Nakatingin lang siya sa mga kamay niyang nilalaro niya. "Zen, mahal mo pa ba siya?" direktang tanong ni Yel! "Ano bang sinasabi mo?" kunwaring natatawa kong tanong. Pag eto putspa nag round two pa! Knock out to! "Answer me Zen, do you still love him? We're worried that's why I'm asking this." malumanay na tanong niya pa ulit. Nag iwas ako ng tingin. Mahal ko pa ba siya? Meron siguro pero hindi kagaya ng dati na sobra, ngayon handa akong iwanan siya. Kung magiging kami pa. "Hindi ko pa nasisigurado sa nararamdaman ko Yel, pero sigurado akong hindi na to katulad ng dati, kaya nga ako nag kaganito dahil sa kanya at wala na akong balak pa na bumalik sa dating ako, dahil kung ano ako ngayon sya ang me' gawa nito." seryosong usal ko at itinuro pa ang sarili ko. "That's a relief then,pero pag may kailangan ka nandito lang kami ni Ji sa tabi mo." si Yel at niyakap ako. "Hayyy pagkain kailangan ko,hindi ko naman kayo makakain ah?" nakangiting usal ko. Napasimangot naman siya ng mukha. "Psh! Ang hilig mo sa ganyan ehh! Seryoso tapos BOOOMMMM!! Mag bibiro!? Ay jusme Zerina!" bulyaw niya pero tinawanan ko lang siya. Baliw.. "Psh. Diyan ka na nga!" inis kunwaring bulyaw sa akin ni Yel saka lumabas ng kwarto. Nag aalala lang sila sayo Zen. Someone's POV "Boss bulilyaso daw ang plano!" inis na baliya sa akin ng bata ko. Napahawak ako sa sentido ko. Kahit kailan bwisit ka talaga sa buhay ko Prin! "Nasan na siya?" pilit kong pinapakalma ang sarili ko. "Boss, nandun sa kabila nag papahinga lintek boss! Bugbog sarado!" maaksyong kwento pa ni Gid ang kanang kamay ko. Sinenyasan ko siyang lumabas dahil baka pati siya mapagbuntunan ko ng galit. Walang kupas kaya nga nawala sakin si Gin eh. Tinawagan ko ang mga bata ko .Tignan ko lang kung makatakas ka pa sa kanila. Naguguluhan ba kayo sa sitwasyon namin nghayon? Malalaman niyo rin ang lahat. Hindi lang ngayon pero may oras para dyan. Ano nga ba ang kinalaman ni MR.PRIN sa pagkamatay ni Gin. Kahit sino pa ang nasa kalagayan ko magagawa niya rin to para sa importanteng tao sa kanya. Ji's POV Hello again! As you can see maganda ako char! Nag aalala na talaga ako kay Zen gabi na siya kung umuwi kaya medyo nag worry na kami ni Yel, sana mali ang iniisip ko Zen. Pero alam namin ni Yel na matalino si Zen at alam na niya ang tama sa mali. Nakwento na rin sa akin ni Yel yung tungkol kay Lard. Pinagmamasdan ko si Zen na mahimbing ngayonh natutulog, nakakunot ang noo niya at para bang hanggang sa panaginip ay malalim ang iniisip niya, yan si Zen. Gangster siya at alam namin yo'n, natakot kami nung una sa kanya kase akala namin sasaktan niya kami pero iniligtas niya pa kami. Hinawi ko ang ilang mga buhok na nakaharang sa mukha ni Zen, maganda talaga siya at hindi iyon maipagkakaila at higit sa lahat cool siya. Malakas siya kung titignan mo pero sa loob loob niyan alam naming nasasaktan na yan. Lumabas ako ng kwarto at naabutan si Yel sa sala na nakaupo at parang malalim din ang iniisip, sinilip ko pa si Zen bago ko isara ng tuluyan ang pinto. Umupo ako sa sofa na kaharap ni Yel. "May problema ba?" tanong ko kay Yel. Napabuntong hininga siya. "Yung nakita ko si Lard, kasama niya si Aloena, pero may isa pa silang lalaking kasama." Panimula ni Yel, kumunot ang noo ko at inisip kung sino yung lalaking tinutukoy ni Yel. "Parehas sila ni Zen na tahimik at walang imik nung nag uusap silang apat."si Yel "At higit sa lahat familiar ang itsura niya Jiheo" seryoso si Yel, hindi na Ji ang tawag niya "Pamilyar ba kamo?" kabado kong tanong kay Yel. "Oo pamilyar yung mukha niya, parang na meet na natin siya somewhere pero hindi lang natin matandaan, pero higit sa lahat bakit sila magkasama ni Zen? Alam naman natin pareho na hindi ka basta basta lalapitan ni Zen unless interesado siya sayo." nagtataka ulit si Yel. Tama yo'n hindi mo basta basta pwedeng kausapin si Zen, unless gusto mo ma flying kick!? malakas din sumuntok si Zen kung di pa sapat yung sipa. Tatlo ang rules ni Zen sa amin pero me' isa lang talaga siyang pinaka inuutos.. Lalaki? Sino naman kaya yo'n? Kaano ano siya ni Zen? Bakit sila mag kausap? Oh to the Major G! Posible kayang boyfriend ni Zen yo'n?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD