Chapter 3

3637 Words
KALILIMUTAN na lang niya ang tungkol doon. Kailangan nga lang nilang mag-usap na mag-ama. Baka kumunsulta kasi siya sa isang abogado para alamin kung pa’no maibabalik sa donor ang property na ibinigay na nito. Kahit pa sabihin ni Don Marciano na hindi mawawala kay Ambo ang lupang kinatatayuan ngayon ng dalawang facilities ng Cuyab Learning Center, alam niyang hindi mapapakali ang kaniyang ama sa kaalamang nabigo nito ang matanda. Kaya ang mabuting gawin ay ibalik ang property na siyang pinagmulan ng kasunduan. Tapos ang usapan. Iyon ang naglalaro sa isip ni Darrina habang inihahatid siya palabas ng mansion ng lalaking sumundo din sa kaniya kanina. Nawala ang kaninang paghanga niya sa magarang bahay dahil sa pag-uusap na namagitan sa kanila ng may-ari noon. Tingin niya’y wala talagang halaga ang lahat ng mga kasangkapang naroroon. Maganda lang sa paningin subalit wala namang silbi. Kagaya ng ipinangkukumbinsi ni Don Marciano sa kaniya. Aanhin niya ang kayamanan nito at ni Cayel kung mawawalan ng silbi ang pagkatao niya. Siya lamang ang pwedeng pumili ng kakasamahin niya sa buhay. At paano pa niya irerespeto ang sarili kung pakakasal siya kay Cayel dahil pinili siya ng lolo nito para sa binata? “Binilin po ng Senyor na ang driver na po ang maghahatid sa inyo, Miss Manaig,” wika ng lalaki nang tumigil sila sa patio. “Ako ang maghahatid sa kaniya, Lucas.” “Muntik na siyang mapalundag sa nagsalita sa kanilang likuran. That voice… Maliban na lang kung may kapareho ito ng boses na nakatira din doon sa mansion pero imposible. Sa totoo lang, papahupa pa sana ang tension sa isip niya, pero nagising ulit ‘yon. Ngayon nga ay nasa harapan na niya ang rason. At ang walanghiya! Wala man lang suot na pang-itaas! Pinigilan niyang mapabuka ng bibig, pero ang hindi niya napigilan ay ang paglalakbay ng mga mata niya mula sa malalapad na balikat ni Cayel, papunta sa mauumbok at pawisang dibdib nito, pababa sa mga matitigas na bitak nito sa tiyan, at pababa pa hanggang doon sa ilalim ng pusod nito na starting point ng bahaging binubuhok. “Bumalik ka na sa pwesto mo, Lucas,” utos nito sa bodyguard na siyang nagbalik ng tingin niya sa mukha nito. Dapat niya yatang pagsisihan iyon dahil kitang-kita niya ang paglalaro ng mga pilyong ngiti sa mga labi ni Cayel. Sa mga labi nito na unang nakahalik sa mga labi niya. Uminit ang mga pisngi at ulo niya. “Magdadamit pa ba ako o mas gusto mo ang nakikita mo ngayon?” may bahid ng panunukso ang tono nito. “Bastos!” singhal niya. “Hindi ka talaga marunong mahiya, ano? Humaharap ka talaga sa akin nang nakahubad? At mag-aalok ka pa kamong ihatid ako? Pwes, ayoko!” Pagkasabi no’n ay nilampasan na niya ang binata at naglakad palayo. Alam niyang nakasunod agad sa kaniya ang gunggong. At nahindik na nga siya nang hawakan siya nito sa braso at hinila paharap. “Oh, wow!” sambit ng nakangiwing si Cayel matapos lumipad ang palad niya sa pisngi nito. Mabigat lang ang kamay niya pagdating sa mga kagaya nitong bastos. Hinawi din niya ang kamay nito sa braso niya. “Nakakarami ka na, ha, Darrina?” reklamo nitong hinihimas ang pisngi.   “At madadagdagan pa ‘yan kapag hinawakan mo pa ulit ako.” Hindi niya alam na alam nito ang pangalan niya. Pero wala siyang pakialam kung paano siya nito nakilala. “Oh? Mag-aalcohol muna pala dapat ako bago kita hawakan.” “H’wag mong masubuk-subukan, Cayel!” banta niya. “Hindi ko alam kung saang butas nanggaling ang mga daliri mo! So keep your hands off me!” Lalo siyang nainis nang tawanan lang siya ng kaharap. Nang tumigil ito ay nag-iwan naman ng nakakabwisit na ngisi. “You know what, Darrina? Hindi ko inakalang ganiyan ka mag-isip. Kung anong linis mo sa sarili mo, siya namang dumi ng isip mo.” Bagaman tinamaan siya sa sinabi nito ay napaismid na lang siya. “Wala akong pakialam sa sinasabi mo!”  “We need to talk,” anito na umantala sa kaniyang paghakbang. Pero nagpatuloy siya at nilampsan ang binata. “Let’s talk, Darrina. You just can’t put this arranged marriage off.” Nahinto siya nang marinig ang huling sinabi nito.  She couldn't believe na alam ni Cayel ang tungkol sa ipinapakana ng lolo nito. "Put off? No, Cayel! Hindi kailangang i-delay dahil walang kasalan na mangyayari." Isang kasambahay ang lumapit upang alayan si Cayel ng kamiseta pagkuwa’y bumalik din agad papasok ng bahay. Iniiwas niya ang tingin upang hindi panoorin ang pagbibihis ni Cayel. Pero tila may sariling isip ang mga mata niya nang sulyapan ang katawan ng binata na natakpan na ngayon ng puting T-shirt. Dumukot ito sa side pocket ng pantalon at inilabas doon ang susi. “Let’s talk somewhere else before I drop you home.” “Ha? Ano ‘yun?” tanong niya na umarteng tila hindi narinig ang sinabi nito. Hindi lang ang katawan ni Cayel ang mukhang matigas, kundi pati ang mukha nito. May sinabi ba siyang makikipag-usap siya dito? May sinabi ba siyang magpapahatid siya dito sa bahay nila? “Mabilis lang tayo. Iuuwi din kita agad.” “Hindi natin pag-uusapan ang tungkol sa kasal na ‘yan. At hindi rin ako magpapahatid sa’yo.” “Believe me, Darrina. Kailanganin nating mag-usap dahil dapat mong marinig ang sasabihin ko,” mariing sabi nito na nagpatigil sa kaniya. Matapang niyang sinalubong ang titig ni Cayel. Na noong una ay inakala niyang naghahamon subalit nakisilip doon ang pakikiusap. Hindi siya natakatagal at siya din ang unang bumitaw. “Hintayin mo’ko rito. Kukunin ko lang ang kotse ko.”   “GOOD choice, Cayel!” sarkastikong komento ni Darrina nang nakaalis ang waiter na hiningan nila ng order. “Dito pa talaga sa restaurant nyo mo ako dinala. Kung saan lahat ng tao ay kilala ka.” “Ano’ng masama do’n? You know what? Wala na’kong ginawang mabuti sa paningin mo.” Nahimigan niya ang banayad na paghihimutok sa tinig nito. Kanina sa mansion ay nakita niyang inispreyan ni Cayel ang upuan sa passenger bago siya nito pinasakay kaya nag-away ulit sila. Para kasing nang-aasar ang binata sa kaniya. “Tama. At ang totoo, hindi nga ako makapaniwalang sumama ako sa’yo. Baka nalilimutan mong ipinahiya mo ako sa harap ng maraming tao?” “Come on, Darri! Nakaganti ka na sa’kin. Ipinahiya mo rin ako nung magmumog ka ng alcohol na akala mo nakakain ka ng bacteria. At huwag mong kalimutan na ilang beses mo rin akong sinaktan. You insulted me. You hurt me physically and so we’re quits.” "Quits? Ang kapal ng mukha mo, Cayel! At nainsulto ka pa pala ng lagay na 'yan?" "I just took my reward, Darri. Ganun din naman ang gagawin mo. Mahahalikan mo din ako sa tuwa-" "Gago ka pala talaga, ano? Alam mo, hindi ako dapat sumama sa'yo, e! Bwisit ka! Sirang-sira na ang araw ko dahil sa'yo, a!" "Okay, I'm sorry!" Pigil nito sa kaniya nang akma siyang tatayo. Sinakop ng palad nito ang kamay niya at bumagsak doon ang mga mata niya. "I'm really sorry. Darri, please? I’m sorry. Hindi na kita aasarin." Sinsero ang bawat katagang binigkas nito at gusto niyang hangaan ang bilis ni Cayel sa pagta-transform. Hindi din nakaligtas sa pandinig niya ang itinawag nito. "Let's just forget it. We need to talk. May mas importante kang dapat malaman sa pag-uusapan natin ngayon." "Okay. Pero bitiwan mo ang kamay ko kung talagang gusto mo'kong makausap nang maayos, Cayel." Natigilan ito. Pagkuwa'y binawi ang palad na nakadagan sa kamay niya. Huminga siya nang malalim. Pagbibigyan muna niya ito. Dahil hindi sa ganoong klaseng lugar niya gustong maghagaran sila at gumawa ng eksena. Dumiretso siya sa topic. Kung ano'ng pag-uusapan nila ay dapat matapos kaagad. "Ano'ng sasabihin mo? Tungkol dito sa arranged marriage na tinatahi ng lolo mo? Tutol ka rin ba? Nagalit ka rin ba sa ginawa niya?" Umiling si Cayel at tumaas ang mga kilay niya. "Hindi ako galit kay Lolo. Wala ako sa posisyon para magalit sa kaniya." Sandali siyang tumahimik. "Hindi rin naman ako galit kay Don Marciano,” amin niya. “Pero hindi ako makapaniwala na nagawa niya iyon. He tried to manipulate our lives. Salamat na nga lang dahil tapos na ang usapan. Nagkaintindihan na kami kanina nung puntahan ko siya at kausapin. Sinabi ng Lolo mo na hindi niya gigipitin ang Ama ko. I still believe that he's a good man, Cayel. And I admire him for that. Hindi ko lang talaga nasakyan ang kalokohan niya." "You shouldn't talk to him that way," wika nito at tiningnan siya. "Narinig ko kanina ang mga sagot mo sa lolo." Nagbuntung-hininga siya. Oo. Medyo guilty nga siya sa parteng iyon. "Ipinaglalaban ko lang ang karapatan ko, Cayel. At kung nakapagtaas man ako ng boses, kasalanan 'yun ng lolo mo. Binigla niya kami ng pamilya ko. Para niya kaming dinala sa bingit ng bangin at inutusang tumalon." Sinadya niyang putulin ang sinasabi nang bumalik ang waiter at isa-isang nilapag ang mga orders nila. Pag-alis nito ay itinuloy niya ang sinasabi. "Malaki ang utang na loob ko sa kaniya, Cayel. Pero hindi naman tama na o-Oo lang ako sa gusto niyang mangyari," katwiran niya. "Why you? Don't tell me na wala ka man lang reaksiyon nung sinabi sa'yo ni Don Marciano na siya ang pipili ng mapapangasawa mo." "Tama ka." Napaangat ang mga kilay niya sa sagot nito. Kinuha niya ang baso ng iced tea at uminom. "Wala ka palang buto. Papayag ka lang basta?" Marahan itong nagbuga ng hangin. "It’s a tradition in the family. Tanggap ko na ‘yun noon pa.  Natahimik siya sa sagot nito. Bulung-bulungan na noon pa na arranged marriage ang nangyari sa mga magulang ni Cayel. May narinig pa nga siya na may ibang kasintahan daw ang ama nito bago ikinasal sa napiling babae ni Don Marciano. “At kahit gusto kong tumutol, hindi ko 'yun magagawa na lang basta. At ito ang rason kung bakit kita gustong makausap…" Nangunot ang noo niya sa sinabi ni Cayel. "A-anong rason?" Hindi ito agad sumagot. Malinaw na nakita niya ang pag-ahon ng takot at pag-aalinlangan sa mga mata ni Cayel. Malayong-malayo 'yon sa kilala niyang Casanova. Sa lalaking kada makikita niya ay may hinihimas na babae. “Sabihin mo na, ano ba ‘yon?” Halos kainipan niya ang sagot nito. Mahabang sandali pa ang hinintay niya bago muling nagsalita ang kaharap. "Si Lolo…” simula nito, pero hindi agad nagpatuloy. Gusto niyang maubusan ng pasensiya dahil hindi niya maintindihan ang pag-ahon ng kakaibang kaba. “Cayel!” He sighed. “Si Lolo. I-I think… he’s ill. M-maysakit siya, Darri…” "A-ano'ng sabi mo?” Sandali siyang natulala pagkatapos na marinig ang sinabi nito. “P-paanong maysakit? M-malakas naman si Don Marciano, a! A-at saka-” Hindi niya naituloy ang sinasabi nang magsalimbayan sa aalala ang tila mga pahaging ng matanda kagabi nang kausapin sila nito. "I just found it out recently. Pumunta siya noon sa Germany, halos dalawang buwan siya roon, pero dalawang beses ko lang siya nakausap at madalas ay ang assistant lang niya. I thought he’s just too busy, pero… hindi pala. Dahil bago siya bumalik ng bansa, naimbita ako sa isang party kung sa’n nagkita kami ng isang batchmate na isang MedTech sa Germany. Ibinalita niya agad sa akin na nakita niya si Lolo sa ospital na pinagtatrabahuhan niya. He thought he was just there for a simple doctor’s visit, pero nalaman niya sa information na nagpa-confine doon si Lolo nang ilang araw. At sa kung anong dahilan, hindi daw sinabi sa kaniya." Pinigilan niyang magtanong. Hinayaan niyang magpatuloy si Cayel. "Nang dumating si Lolo, nagsimula akong mag-obserba. Dahil kung may sakit siya, malamang na itinatago niya lang ‘yon sa amin ni Clyde. My grandfather is already seventy-eight. At hindi ko ma-imagine na mawawala siyang bigla nang wala man lang akong nalalaman tungkol sa kondisyon niya." She stared at him. Nauunawaan niya ang damdamin ni Cayel. Dahil anak siya at kung nasa sitwasyon siya nito ay hindi siya mapapanatag. "Then three months ago, narinig ko sila ni Attorney na nag-uusap sa office niya. Ipinapahanda na niya sa abogado ang Last Will and Testament, and that strengthen my belief na may sakit nga siya." Nabalot ng guilt ang dibdib niya. Bakit hindi niya binigyang-pansin ang mga sentimyento ni Don Marciano noong hapunan sa bahay nila? Ilang beses nitong sinabi na gusto nitong mailagay sa ayos ang mga apo bago man lang bawian ng lakas. Iyon ba ng pinaghahandaan ng matanda? Kung totoo ang hinala ni Cayel ay nag-aalala din siya para dito. Nakakalungkot isipin na ang taong may matatag na panininidigan sa pagtulong sa kapwa ay pahihinain lang ng sakit paglalaon. "I stopped looking for an answer. Siguro dahil takot din akong makumpirma ang hinala ko. I don't know. There were times na umaalis si Lolo kasama ng mga tauhan niya nang hindi ko man lang alam kung saan." "Matigas si Lolo pagdating sa paglilihim sa aming magkapatid. He had done this before. Kung hindi sa isang private investigator na inutusan ko ay hindi namin malalaman ni Clyde na may kapatid pa kaming isa." "Ha?" bulalas niya. That was another big surprise. May isa pang apo si Don Marciano? "For now, I'm just hoping na nakakatulong sa kaniya ang lihim na pagpapagamot. But then I also realized that making him happy is one of the best things I can do for him. That's why I wanted to have a word with you, Darri." Napatingin siya rito. Sa maiitim na mga mata nito. Naroon man ang katatagan ay may bahid pa rin 'yon ng lungkot at pagsusumamo. "Willing ka ba na tulungan ako?" tanong nito na hindi na gaanong bumigla sa kaniya. Dahil habang naiisip niya ang kondisyon ng matanda, malinaw na sa kaniya kung bakit siya gustong makausap ni Cayel. Pero ang hirap pala kapag narinig mismo dito ang tanong na 'yon. Kaya ba niya? Galit siya kay Cayel sa ilang mga dahilan. Kaya dapat niyang alamin sa sarili kung kaya ba niyang tulungan ito? "Kaya mo ba, Darrina? Kaya mo bang gawin ang isang bagay na napakahirap para sa'yo?" tanong muli nito. Pinilit niyang lumunok at nang magkaro'n ng boses. Dahil pakiramdam niya ay nilayasan siya ng tono. Litong inilahad niya ang isang palad. "A-ano'ng m-magagawa ko?" Napapitlag siya nang abutin ng kamay nito ang braso niyang nasa ibabaw ng mesa. Ang dapat niyang gawin ay hilahin ang braso dahil ayaw niyang hinahawakan siya ni Cayel. Pero hindi niya nagawa. Magulo ang isip niya. Natatakot siya sa mga naririnig. Naiinis siya dahil sumama siya kay Cayel. Nagagalit siya sa sitwasyon niya. At nagi-guilty siya dahil naging marahas siya sa pagbigo sa matanda. Malungkot ang mukha nito kanina bago niya iwan. At ayaw niyang isipin na inaatake ito ngayon ng sakit pagkaalis niya. "Please, Darri? Sabihin mong kaya mo. Nakikiusap ako sa'yo," sumamo ni Cayel sa marubdob na tono. Sa tonong tumatagos sa kaniyang dibdib. Na nakapagpapalito lalo sa kaniya. Na nagpapakaba sa kaniya. Na nagpapatindig ng balahibo niya. "A-ano'ng… g-gusto mong gawin ko…?" Hindi niya gusto ang iminumungkahi ng mga mata nito. Hindi niya gustong marinig pa ang sasabihin nito. Pakiramdam niya ay tatraydurin siya ng sariling puso na sa ganoong sitwasyon lubusang mahina. Sana ay hindi niya nalaman ang tungkol doon. “Marry me, Darrina,” direchong sagot ni Cayel na nagpabilis ng tibok ng puso niya. “If you want, gawan natin ng agreement ang pagpapakasal mo sa’kin. We will do it in your terms. Basta magpakasal ka lang sa akin. Dahil sigurado akong ikaliligaya ng Lolo kapag nalaman niyang pumayag kang maging asawa ko.”   OKAY na sana. Kung tutuusin ay solved na ang problema ni Darrina. Pero mukhang panibagong pabigat sa dibdib niya ang hatid ng pagsama kay Cayel. Hindi pwede. Kahit pa sabihing pagpapanggap lang ang gagawin nila, ‘yung kaalamang lagi niyang makakasalamuha ang taong ito ay malayo sa kaniyang hinagap. Hindi niya gustong ma-involved sa isang Casanova. Hindi niya gustong ma-associate ang pangalan sa binata. Humugot siya ng hangin. ‘Oo’ o ‘Hindi’ lang ang isasagot niya. Kapag um-Oo siya, katapusan na ng katahimikan sa buhay niya. Magiging kabuntot niya lagi ang pangalan ni Cayel. Na sabi nga niya ay trouble. Kung hi-Hindi naman siya, baka habambuhay siyang bubulabugin ng kaniyang konsensiya. Paano nga kung may malalang sakit si Don Marciano? Paano nga kung biglang masawi ito nang hindi man lang naisasakatuparan ang mga huling kahilingan? Mahirap ang hinihingi mo,” ani Darrina kay Cayel habang inaalala ang mga pinag-usapan nila kanina. “Kahit gawan pa natin ng agreement ang pagpapakasal, hindi pa rin ganun kasimple. Hanggang kailan naman tayo magsasama bilang mag-asawa? Ayoko mang isipin, pero isa lang ang pwedeng sagot, di ba? Habang nariyan pa si Don Marciano. Cayel, hindi ko man kadugo ‘yang Lolo mo, hindi ko siya gustong mapaano. I want him to have a longer life. Pero sa sinasabi ko, hindi ba’t para ko na ring sinabi na… ayokong matapos ang pagsasama natin?”  Akala niya ay mapapagaan ng sagot na iyon ang dibdib niya sa subalit parang lalo pa iyong bumigat. Nilinaw niya ang sagot. “I-I’m sorry… Hindi kita matutulungan, Cayel.” Isang malalim na buntung-hininga ang nadinig niya sa nasa manibela. Pinigilan niyang lingunin ang binata. Baka madagdagan ang stress niya sa makikitang reaksiyon nito. Naisip niyang madami namang babaeng umaaligid dito. Bakit hindi ito mamili ng aasawahin mula sa mga ‘yon? “M-marami namang iba d’yan, di ba? Yung mga huli mong naka-date, mamili ka sa kanila. H’wag na lang ako…” Walang sagot mula sa binata. Nilingon niya ito at nakitang nakatuon lang sa daan ang mga mata nito. “Cayel, ano ba? Magsalita ka nga. May sagot na’ko, narinig mo. So, ano ngayon? Ano nang gagawin mo?” Gusto niyang marinig ang side nito. At ewan ba niya kung bakit tinubuan siya ng concern ukol sa gagawin ng binata para sa lolo nito. Isang kibit-balikat ang itinugon sa kaniya ni Cayel. “Wala.” Napamaang siya. “Ano? Wala? Ganun lang?” Tumikwas ang kabilang sulok ng bibig nito. “Ano bang magagawa ko kung ayaw sa’kin ng babaeng inaalok ko ng kasal?” “Ha? Nag-aalok ka ng kasal? Cayel, this is an arranged marriage! Ipinapaalala ko lang sa'yo” “Pero tumanggi ka kay Lolo, Darri. At ngayon, ako na mismo ang nag-aalok sa’yo na pakasalan ako.” Napapikit siya. Huminga siya nang malalim at muling itinuon sa unahan ang mga mata. “I'm sure may iba ka pang magagawa para mapasaya ang Lolo mo. Bakit hindi mo simulan sa sarili mo, Cayel? H’wag ka na kasing maging pasaway na apo. I’m sure, gagaan ang kalooban ni Don Marciano kapag nakita niyang nagtitino ka na. Magseryoso ka na sa buhay, Cayel. ‘Yon naman ang gusto ng Lolo mo na gawin mo, e.” Umismid ito. “Am I not doing it now, Darri? Hindi pa ba pagseseryoso ang ginagawa ko? I’m asking you to marry me. I’m asking you to be my wife. Sa palagay mo ba nagloloko lang ako?” Napamaang na naman siya. Bakit ba naaapektuhan siya ng mga sinasabi nito kanina pa? “Pero ang hirap kasi…” “It’s okay. Hindi naman kita pipilitin.” “Peste ka talaga…” mahinahong mura niya. “Bakit mo pa sinabi sa’kin? Hindi din ako mapapalagay, e.” “Isang ‘Oo’ mo lang Darri, mapapanatag ang loob mo.” “Pero hindi ko kayang makasama ka sa araw-araw ng buhay ko.” “Yeah, I know.” “Yun naman pala. E, dapat naiintindihan mo kung bakit ayaw ko.” “Naiintindihan ko,” sagot nito na sinundan pa ng tango. “I told you, hindi kita pinipilit.” “Bwisit ka, Cayel! Ginagamit mo sa’kin ang strategy sa pagpapasagot mo sa mga babae. Hindi mo nga ako pinipilit pero iniiwan mo’ko ng isipin.” “Kalimutan mo na lang para madali. At para sa kaalaman mo, wala akong ginagamit na strategy sa pagpapasagot sa mga babae.” Tumahimik na lang ulit siya at nag-isip. Malabo naman ang advice na iyon ni Cayel! Paano niya malilimutan ang tungkol sa abuelo nito kung sa araw-araw na pagpasok niya bilang Intern sa isang logistics company ay maiisip niyang utang niya kay Don Marciano ang makapag-aral sa CPU. Bwisit! Wala silang kibuan hanggang sa makita na lang niya ang gate ng kanilang bahay at ilang sandali pa ay inihihinto na ni Cayel ang kotse nito sa tapat mismo ng gate. Parang nagdalawang –isip pa siya na bumaba. Hindi pa solved ang problema niya. Dahil binigyan siya ulit ng problema ng binata. Nilingon niya ito at nagbuka ng bibig para simulan ang pagpapaalam. Sana lang ay hindi na sila magkita ulit nito. Pero naiisip pa lang niya iyon ay para siyang nasasakal. Nakakasakal ang kaalamang may magagawa siya naman para pasayahin ang isang taong may karamdaman pero pinili niya iyong tanggihan. “Dito na lang ako.” Tumango si Cayel. Pero hindi siya nito tinitingnan. Nakaka-stress ang pagtahimik nito. Nakaka-stress ang mga ganoong reaksiyon nito. Hindi niya akalain na may namana pala siya sa ugali ng ama. Dahil hindi siya ngayon mapakali knowing na iiwan niya ang binata sa ere. He was asking for her help! Umiling siya. “Imposible talaga, e!” sambit niya. Alam niyang nilingon siya ni Cayel pero hindi siya tumingin dito. Hinayaan niyang masilip ng binata ang anxiety sa mga reaksiyon niya. Narinig niya ang malalim na paghugot ng hangin ng katabi. “I’ll give you time to think about it. Bukas ng ganitong oras, kukunin ko ang pinal na sagot mo. Pasensiya na sa abala. Honestly, medyo gumaan ang dibdib ko dahil may nasabihan ako ng tungkol dito.” Lalong nabagbag ang puso niya sa sinabi ni Cayel! Ang husay nito! Malungkot na ngumiti ang binata sa kaniya. Sino bang anghel sa langit ang backer nito? Bakit parang feeling niya, sa impiyerno siya mapupunta kapag pinabayaan niya si Cayel? Naiiling siyang nagbuga ng hangin saka kinapa ang hugpungan ng seatbelt at kinalas. Naunahan naman siya ni Cayel sa pinto dahil dinukwang nito ang lock noon at itinulak para sa pagbaba niya. At dahil sa ginawa nito, ilang bahagi ng balat nila ang nagdikit bago pa niya maibaon ang sarili sa leather na upuan. Naamoy niya ang mabangong katawan ng binata. Oakwood, musk, tangerine, and… hindi siya sigurado. Pero malinis at lalaking-lalaki ang bangong inilalabas ng katawan nito. Kaya naman nagtayuan ang mga balahibo niya sa batok. “Thank you for your time, Darri. Expect me to be here tomorrow.” Naguguluhang napatango na lamang siya saka bumaba ng kotse. Hindi na rin niya hinintay na umalis ang binata. Mabilis niyang binuksan ang gate at pumasok. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD