Agad na tiningnan ng doktor ang kanyang asawa, at matapos ang ilang sandali ay masayang ibinalita nito sa kanya na wala na siyang dapat pang ipag-alala dahil tuloy-tuloy na ang paggaling ng kanyang asawa. Kailangan lamang na masubaybayan muna ito kahit na isang linggo sa ospital, para matiyak na hindi magkakaroon ng komplikasyon ang opwrasyon sa lalamunan nito. Maging ang kanilang baby ay okay na daw talaga at wala nang iba pang dapat ipag-alala. Ibinilin lamang nito sa kanya na dapat ay hindi na ma-stress pa ang pasyente, dapat palagi na itong masaya at huwag ng magkakaroon pa muna ng mabigat sa problema. Makakatulong daw iyon para lalong tumibay ang kapit ni baby at mas mapapabilis din ang pagaling ng kanyang mahal. May mga ini-reseta din na bagong gamot na kailangan niyang bilhin,

