“Honey, Alondra! Salamat gising ka na rin sa wakas!” masayang bulalas niya. Napansin niya na gumagalaw na rin ang mga kamay nito ibig sabihin gising na talaga ang kanyang asawa pero hindi lamang nito maimulat ang mga mata. Patuloy lamang sa pagpatak ang luha nito. “Honey, okey ka lang ba. S-Saglit lang ha tatawagin ko lang ang doctor! Kailangang malaman nila ang magandang balita! ” Wika niya tsaka aalis na sana siya pero agad itong hinawakan ang kanyang braso. Pagbaling niya ng tingin dito ay nakamulat na ang kanyang asawa, luhaan ang mga matang nakatingin sa kanya at bahagya nitong iginagalaw ang ulo na tila ba sinasabi nito na huwag siyang umalis. Kaya naman imbes na umalis siya ay minabuti sa umupo na lang doon sa upuan na nandoroon at mahigpit na lang na hinawakan ang kamay n

