Naluluha habang nakatitig si Hendrick sa kanyang mahal na asawa na nakahiga ngayon sa hospital bed. May nakasalpak na tubo sa may leeg nito, sabi ng doktor ay tulong daw iyon para makahinga ng maayos ang pasyente. Na-damage din ang voice box nito kaya hindi na rin muna ito makakapagsalita pero matapos daw ang ilang linggo or buwan na gamutan ay babalik naman daw ang kakayahan nitong magsalita. Pero hindi lang niya matanggap sa kanyang sarili na napakaraming pinagdaang hirap ng kanyang mahal na asawa ng dahil lamang iyon lahat sa kagagawan niya. Paano niya nagawang saktan ang ganito kabuting babae na kahit na sinasaktan na ng mga magulang lahat ng pananakit naranasan na ito, emotional man o physical na ginagawa ng magulang niro ay hindi man lamang nito nagawang gumanti. Imbis na magt

