Hindi makapaniwala si Alondra na ngayon ay nananatili pa rin siyang buhay. Para bang nanggaling siya sa napakahimbing na pagtulog, tapos naalimpungatan siya sa boses na iyon ng lalaking tila umiiyak habang nagkukwento sa kanya. Parang pamilyar ang boses ng lalaki at habang naririnig niya kung papaano ito umiyak at ang mga sinasabi nito na ngayon ay papalinaw ng papalinaw ay agad niyang napagtanto na si Hendrick iyon. Para bang ang boses nito na umiiyak ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Hindi siya makapaniwala dahil sa ilang buwang pagsasama nila ay hindi pa niya ito naririnig na umiyak, ngayon pa lang. Habang nagkukwento ito ay umiiyak dahil ramdam na ramdam niya ang mainit-init pa na likidong umaagos sa kanyang kamay. Nagkukwento kasi ito habang nakasubsob ang mukha nito sa k

