ISANG araw na nga lang at matatapos na si Sandra sa pagsasanay na pinagawa ni Saber sa kanya. Pagkagising nga niya ay lumabas siya ng bahay matapos niyang maglinis ng kanyang mukha. Lumanghap siya ng malamig na hangin at pinakiramdaman ang kanyang sarili ngayong anim na araw na ang lumipas. May kaunting pagsakit ang katawan niya ngayon, lalo na nga’t mas mahirap ang pinagawa sa kanya ng binatang bulag kahapon. Iniisip nga niya ang susunod pa niyang gagawin pagkatapos nito. Sabi nga ni Saber sa kanya ay sa ama na niya siya sunod na sasama para sanayin. Ito ay sa paggamit na ng medalyon. Bahagya nga siyang napahaplos sa bagay na suot niya. Ngayon lang niya napagtanto na noon pa man pala ay siya na talaga ang magmamay-ari nito. Ibig-sabihin daw nito, ay wala talaga siyang choice kundi ang ta