NAPABUNTONG-HININGA si Zoe nang makita si Ethan na papalapit sa kaniya. Kita ang magkahalong pagkagulat at saya sa mukha nito nang makita siya. Sandali itong natigilan nang magtama ang paningin nila. "Zoe..." bulong nito. She had always loved the way he called her name. Iyon na yata ang pinakamasarap sa pandinig niya. Baby... Bulong niya at pinigilan ang sarili na mapahikbi. God, he missed him so much. Ilang araw lang pero pakiramdam niya ay katumbas na niyon ang dalawang taon na pagkakahiwalay nila noon. Parang kinurot ang puso ni Zoe nang makita ang miserable nitong hitsura. Mahabang buhok, hapis na mukhang may balbas na hindi pa naaahit at nanlalalim na mga mata na may malalaking eyebags. Laglag na rin ang mga balikat nito na dati-rati ay punong-puno ng kumpiyansa. Mukhang ilang a