ANG balak sana ni Zoe ay tatabihan lang niya si Baby Mariel para padedehin. Pero hindi niya namalayang nakaidlip din pala siya. Nagising na lang siya nang tila narinig niya ang pagbulong ni Ethan at ng kaniyang kambal. Ngunit wala naman sa tabi niya ang mga ito nang dumilat siya. Hindi rin niya maipaliwanag ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso nang maalala ang mag-ama. Parang nakikipagkarerahan sa bilis ang bawat pintig niyon. Pagkatapos ayusin ang kumot ng kaniyang bunso ay uminat at bumangon na si Zoe. Nagulat pa siya nang sa pagtingin niya sa orasan ay mag-aalas dose na ng tanghali. Ang tagal pala niyang nakatulog. Dala siguro ng puyat at pagod sa biyahe. Pinakiramdaman ni Zoe ang paligid. Tahimik sa labas ng cottage. Wala siyang ibang naririnig bukod sa mga alon na tila mas lum