Chapter 10

1405 Words
LALONG gumulo ang isipan ni Sianna dahil sa kaalamang may anak na ang lalaking naka-one night stand niya sa isang hotel. To think na isang kataksilan ang sumiping sa may asawang lalaki, pakiramdam niya, wala rin siyang ipinagkaiba sa ibang babae na nakakasira ng isang pamilya o relasyon. Paano kung malaman ng asawa ng lalaking iyon na may ibang babae itong sinipingan? Sana… hindi na lamang niya nakita pa ang lalaking iyon dahil handa naman siyang ibaon sa limot ang namagitan sa kanila sa hotel. Pero ngayong nalaman pa niya na may pamilya na ito, lalo lang na-stress ang kaniyang pakiramdam. Mas lalo lamang niyang napagtanto na isang malaking pagkakamali nga ang nangyaring iyon. At kung bakit mas namunghi pa siyang lalo sa lalaking iyon na nagawa pang sumiping sa ibang babae gayong may pamilya na. Ganito ba talaga ang mga lalaki sa mundo? Walang contentment sa katawan kahit loyal naman sa mga iyon ang mga babaeng karelasyon. Katulad na lamang niya sa napakagaling niyang ex na si Wil. Sobrang naging loyal siya rito sa kabila ng napakaraming nanliligaw sa kaniya. Mga hindi niya pinagpapansin. Ang buong puso’t pagkatao niya ay inilaan niya para sa lalaking mapapangasawa sana. Pero sa kabila ng pagiging loyal niya rito, hindi pa rin sapat dahil naghanap ito ng iba. Ibang babae na madali nitong madadala sa kama. Lalo lang siyang nagalit sa mga lalaki. Pakiramdam niya, pare-pareho ang mga iyon at walang matitino sa mga iyon. Nasa may lobby na siya ng gusaling kinaroroonan ng kaniyang condo unit nang maalala ang box na dala-dala niya kanina. Sa isip ay napamura pa si Sianna nang maalala na inilagay ng lalaking iyon ang box niya sa compartment ng kotse nito. At paano pa niya iyon mababawi? “DADDY NINONG, tara na po,” naiinip ng tawag ni Migi kay Eliezer. Isang tingin pa sa papalayong taxi nang balingan niya ang kaniyang inaanak. Nginitian niya ito. “Ang galing ng timing mo, Migi,” naiiling pa niyang wika rito bago isinara ang pinto sa may passenger side at kaagad lumigid sa may driver side. Nang makasakay sa loob ng kotse ay muling nagsalita si Migi. “Sino po ‘yong babae kanina? Girlfriend po ninyo, Daddy Ninong?” “Hindi.” “Bakit pasasakayin po ninyo sa kotse ninyo kung hindi?” “Umayos ka na ng upo diyan,” sa halip ay wika niya. Isa sa nagustuhan niya ay ang pagiging madaldal nito. Hindi kasi ito nakakainip kasama kapag ganoon. Noong una, hindi talaga siya mahilig sa bata. Not until, dumating sa mundo si Migi. Siguro ay dahil anak ito ni Carlos kaya hindi na iba sa kaniya. “Okay po. Gusto ko po ng ice cream,” hirit pa ni Migi. “Sa bahay, marami.” Hindi na nangulit pa sa kaniya ang inaanak na si Migi at kontento ng umayos ng upo sa upuan nito sa may backseat. Nang makarating sa kaniyang bahay, sa isang exclusive village ay kaagad naman silang sinalubong ni Carlos. Ito na ang kumuha kay Migi. Habang siya naman ay may kinuhang box sa may compartment. Napapailing pa siya nang mapagmasdan ang box matapos iyong dalhin sa loob ng kaniyang Study Room. Doon ay saka lamang niya inalis ang takip niyon para usisain ang laman. Tipikal na mga gamit sa opisina. May gusto lang siyang makita kaya isa-isa niyang inilabas ang mga gamit na naroon. May dumulas pa sa kaniyang kamay na isang notebook na nahulog sa sahig. May mga nakasangat pa roon na nahulog din sa sahig. Yumuko siya upang kunin ang notebook. Isang punit na larawan ang nakita niya sa sahig. Larawan ng isang babae. Ang babaeng naka-one night stand niya. May nakaakbay sa balikat niyon ngunit hindi naman niya makita kung sino dahil mukhang hati sa gitna ang naturang larawan. Dinampot niya ang isa pang papel sa sahig. Hindi pala iyon basta papel dahil mukhang kaperaso iyon ng punit na larawan ng babae. Nang iharap niya iyon sa kaniya ay kumunot pa ang kaniyang noo nang makita ang pamangkin na si Wil. Napilitan siyang tumayo buhat sa kaniyang pagkakayuko. Naglakad pa siya palapit sa kaniyang swivel chair at doon ay naupo. Kapagkuwan ay inilapag niya sa lamesa ang dalawang larawan na punit at pinagdikit. Si Wil nga ang nakaakbay sa babaeng iyon. Hindi nawala ang kunot sa kaniyang noo. Habang pinagmamasdan ang larawang nasa harapan niya. May naglalarong ideya sa kaniyang isipan. Ipinatawag niya kaagad si Carlos nang tumawag siya sa intercom. Hindi naman nagtagal at kaagad itong pumasok sa loob ng kaniyang Study Room. “Ipinatatawag raw ho ninyo ako.” “Carlos, alamin mo kung sino ang ex-fiancée ni Wil. Kailangan ko rin ng picture niya. ASAP.” “Give me some minutes, Sir Eliezer,” ani Carlos na hindi na rin nagtagal pa sa loob ng kaniyang opisina. “Ganiyan ba talaga kayong mga lalaki? Hindi ninyo iniisip kung may partner kayong masasaktan? Pare-pareho talaga kayo…” naalala ni Eliezer na litanya ng babaeng iyon kanina nang mapag-isa siyang muli. Huminga siya nang malalim. Kapag kuwan ay muling tumayo para magpatuloy sa pag-uusisa ng laman ng box na iyon. Hanggang sa makita niya ang pangalan na hinahanap. “Sianna Melendrez…” basa pa niya sa pangalan na iyon na nakita niya sa isang papel. Kung bakit parang may kung anong kumalimbang sa kaniyang pandinig nang mabasa ang pangalang iyon. Right. Iyon nga ang naririnig niya na pangalan ng nobya ng kaniyang magaling na pamangkin. Hindi pa niya nakikita ang karelasyon noon ng kaniyang pamangkin dahil sobrang busy niya. Pero hindi kaila sa kaniya ang pagmamalaki roon ni Wil. Wife material daw ang nobya nito kaya iyon ang inalok nito ng kasal. Pero sa huli, sa ibang babae ikakasal si Wil dahil nakabuntis ito. Napapailing siya. Hindi naman nagtagal at bumalik sa loob ng kaniyang opisina si Carlos. Dala ang kailangan niyang inpormasyon. “Sianna Melendrez ang pangalan ng ex-fiancée ng inyong pamangkin, Sir Eliezer.” “Ano pa’ng alam mo tungkol sa ex ni Wil?” ani Eliezer nang maupo siyang muli sa swivel chair. “Tinanggal siya sa trabaho.” Napatingin si Eliezer sa box na nasa ibabaw ng kaniyang table. “Alam mo ba kung bakit?” “‘Yon ang gusto ng may-ari ng kompanya.” “Walang ibang rason?” “Mag-ni-Ninong sa kasal nina Wil at ng stepsister ni Sianna ang may-ari ng naturang kompanya. Baka may kinalaman sila.” “Okay. Thank you,” sabi na lamang niya kay Carlos. Ipinakita pa nito sa kaniya ang isang larawan. Larawan ni Sianna. “‘Yan siya, Sir Eliezer.” Lihim na napalunok si Eliezer nang mas makita ang larawan ni Sianna sa malapitan. “Babalikan ko na ho muna si Migi,” paalam na ni Carlos sa kaniya. “Sige.” Nang mapag-isa ay muling napatitig si Eliezer sa punit na larawan na nasa ibabaw pa rin ng kaniyang lamesa. Wife material… ani Eliezer sa kaniyang isipan nang maalala ang pagkaka-describe ni Wil sa dati nitong nobya. Nang dumako ang tingin niya sa larawan ni Sianna, kung bakit muling nanariwa sa kaniyang isipan ang sandaling nag-isa ang mga katawan nila. Ang mainit na tagpong iyon… She’s still a virgin. At iyon ang malinaw sa kaniya. Sigurado siyang maging sa relasyon ni Sianna kay Wil ay iniingatan din nito ang sarili. Pero sa kalasingan din nito, naibigay nito nang wala sa oras ang p********e nito sa kaniya. At hindi niya alam kung bakit pa nasa loo bito ng kaniyang suite. Nagkamali ba ito ng napasukang suite nang gabing iyon sa hotel dahil sa kalasingan? Hindi rin niya mapigilang isipin na kaya nakabuntis ng iba si Wil ay dahil lalaki ito at may pangangailangan na hindi naman magawang ibigay ni Sianna rito. Rare woman na nakatakdang ibigay ang sarili sa unang pagkakataon sa isang lalaki sa araw mismo ng kasal niyon. Bagay na hindi na nangyari pa. Ngunit, sapat nga bang dahilan ang pagpatol ni Wil sa iba dahil lamang may pangangailangan ito bilang lalaki? Lalo na at committed na ito sa isang babae na nakatakda nitong pakasalan? Nakaramdam siya ng inis para sa kaniyang pamangkin. Dahil nagawa nitong sayangin ang isang babae. At sa dinami-rami ng babae sa mundo, sa stepsister pa talaga ni Sianna ito pumatol. Not unless, plano rin talaga iyon ng stepsister ni Sianna? Na makuha nito si Wil? Sa isang iglap, parang mas naging interesante para sa kaniya si Sianna Melendrez.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD