"Woi sarap nyan ah, sakto lang dahil sobrang init ngayon," masayang wika ni Marikit kay Miguel ng magtungo siya sa bahay ng mga ito. Hapon na non, meryenda time na nga naman. Nasa office na si Conran at naiwan nanaman siya. Nagpasya siyang magtungo kina Miguel kasi medyo bored sa bahay. Hindi naman siya makapaglive doon dahil nasa silid ang Lola ni Conran. Mabuti dito kina Miguel pwede syang maglive gamit ang set up nito. "Painom naman, nakakatakam eh." Wika niya dito. Eksakto kasing gumagawa ito ng palamig na flavor ay melon at nilagyan pa nito ng fresh melon iyon. Kaya naman sobrang sarap ng itsura niyong tapos may mga ice cube pa sa pitsel. May isa pang nasa pitsel pero mas masarap para sa kanya iyong melon flavor. Para bang biglang nanuyo ang kanyang lalamunan dahil sa sara

