"Tang*na talaga akala yata ng mga walang hiyang yan ay hindi ako gaganti sa kanila. Hayop ka talaga Marikit! Hindi ako titigil hangga't hindi nasisira ang buhay mo. Walanghiya ka, may araw ka rin sakin. Pati ang pamilyang gustong-gusto ako, ngayon ay isinusuka na nila ako dahil sayo! Napakawalang hiya mo talagang hayop ka!" nagagalaiting turan ni Emma habang nakatingin sa live ni Marikit. Naka-live kasi ito kasama ang pamilya ni Conran habang masayang kumakain ng lunch sa isang sikat na restaurant doon sa kanilang lugar. Hindi siya makakapayag na maging talunan siya, hindi siya makakapayag na basta na lamang talunin ng isang at walang kwentang katulad Marikit. Papatunayan niya dito na kaya din niyang manalo. Na hindi ito palagi lamang ang nangunguna kundi siya rin. Pati nga sa pagm

